KC, umaming si PIOLO ang pinaka-memorable sa kanya; maraming nagwi-wish na magkabalikan sila

BY: Reggee Bonoan

WALANG karelasyon ngayon sina Piolo Pascual at KC Concepcion kaya may mga malalapit sa kanila na gustong magkabalikan sila.

Sa online tsikahan nina KC at Toni Gonzaga para sa I Feel You ay isa sa napag-usapan nila kung sino sa mga naging leading man ng aktres ang pinaka-memorable sa kanya.

kc piolo

Tila kinilig si KC nang banggitin niya ang pangalan ni Piolo Pascual.

“Si PJ (Piolo). Because, ang dami namin pinagsamahan tsaka alam mo, naging maging magkaibigan talaga kami and alam ni PJ na I cared about him, kaya ako rin na hanggang ngayon, alam niya na I worry for him.”

Magka-partner sina Piolo at KC sa remake ng Korean drama na Lovers in Paris noong 2009 at tanda namin ay dito nila kinilala ang isa’t isa hanggang sa naging opisyal silang magkarelasyon ng last quarter ng 2010 at naghiwalay ng 2011.

Bago naging sila ay two years na niligawan ni PJ si KC at away-bati ang dalawa dahil sa mumunting tampuhan. Pero dahil seryoso ang aktor kaya muli niyang sinusuyo ang dalaga.

Hanggang sa nagkahiwalay at si KC ay nakailang boyfriends pero si Piolo ay nanatiling single.

Lovers-In-Paris-2

Saka namin naalala na may sinabihan si Piolo na kung may babalikan siya sa ex-girlfriends niya ay walang iba kundi si KC dahil sobrang mahal niya at alam niyang ito ang gusto niyang makasama sa buhay.

Matagal nang binanggit ito sa amin ng taong sinabihan ni PJ at naniniwala kami na hanggang ngayon ay naghihintay lang ang aktor ng tamang pagkakataon para muling suyuin si KC.

Sa kabilang banda ay willing naman pareho sina Piolo at KC na makatrabaho ang isa’t isa, ito na kaya ang third chance at hopefully huli na?

Bukod pa sa ilang beses sinasabi ni PJ sa aming mga panayam sa kanya kapag may event ang Sunlife na kapag nagka-girlfriend siya ay iyon na ang babaeng pakakasalan niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s