MARIEL, naglambing kay ROBIN na gawan ng magandang kitchen para sa ‘Cooking Ina’

BY: Reggee Bonoan

DINISENYUHAN ni Robin Padilla at ginawan ng logo na ‘Cooking Ina’ ang kitchen na pinaglulutuan ng asawang si Mariel Rodriguez-Padilla na ngayon ay posibleng pagkakitaan nito sa kanyang Facebook Live.

Nu’ng una ay gusto lang i-video ni Mariel ang ginagawa niyang pagluluto na inaaral niya para sa kanyang mag-aama at mga kasama sa bahay. Pero dahil maraming nagre-request sa kanyang netizens na mag-feature pa siya ng iba niyang niluluto ay naisip niyang seryosohin na ito kaya naglambing siyang gawan siya ng magandang kitchen ni Robin.

Katuwang ni Robin ang lolo ni Mariel na si Rafael Siazon sa paggawa ng kitchen ng asawa.

Abot-abot naman ang pasalamat ni Mariel, “Big big thanks to those who helped make our Cooking Ina set possible @robinhoodpadilla isang sabi ko lang na ‘babe I want to put plates on the wall’ stop lahat ng ibang projects at ginawa ang kitchen ko.
“To lolo @rafaelsazon for the water line. @tablescape.ph for my plates. My digital team @vcmthecelebritysource for the logo. and of course to those who make our merienda session their 3pm Wednesday habit maraming maraming salamat!!! Excited akong makita ang oa sushi bake niyo. THANK YOUUUUU.”
At siyempre pinasalamatan ni Mariel ang viewers niya, “Mga Cooking Ina, THANK YOU! Thank you for watching today’s Facebook Live Cooking Ina Show with Mommy Mariel Padilla. I had so much fun sharing my OA version of Sushi Baked. Salamat salamat!”
Binati namin ang wifey ni Robin na marunong na siyang magluto.
“Yes Reg! Lambot niya na ang sarap! Imagine nu’ng nakilala mo ako scrambled egg lang alam ko gawin ha ha ha,” masaya nitong sagot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s