AMY, RYAN at KARYLLE, maraming natutunan sa panahon ng quarantine

NI: Reggee Bonoan

MARAMING natutunan ang tatlong hosts ng It’s Showtime na sina Amy Perez, Ryan Bang at Karylle sa panahon ng quarantine.

Inamin ni Tyang Amy na hindi pala madali ang maging housewife dahil nasanay siya sa ilang taon niyang pagiging career woman na ibig sabihin ay mas madalas siyang nasa trabaho kaysa sa bahay.

Sa ginanap na Zoom-conference para sa pagbabalik ng It’s Showtime noong Sabado, Hunyo 13 ay nagkuwento ang tatlong hosts.

     “Na-realize ko na mahirap palang maging housewife, kasi career woman ako.  ‘Yung housewife, hindi dapat ‘yan nila-lang-lang.  Alam mo ‘yung hindi ka pa tapos magluto at tapos maghugas, mapapapikit lang mga mata mo, iisipin mo, ano ang meryenda para sa pamilya mo.

ryan bang (1)

“Nu’ng ilang linggo, tsinalens ko ang sarili talaga, ang hirap mag-isip, ito para sa mga nanay na nanonood at alam ko makaka-relate sila, ang hirap kaya mag-isip ng menu sa isang linggo na hindi ka uulit.  Tapos ang hirap mag-isip ng technique na isang beses ka lang magluluto, hapon para iyon na ‘yung gabi hanggang sa next say, iibahin mon a lang ‘yung breakfast and dinner.  Kaya saludo ako sa mga housewife talaga kasi iba ‘yung pagiging career woman, magkaibang-magkaiba.

“Kaya itong quarantine, pina-experience siya sa akin ni Lord, kaya sabi ko (sarili ko), wow, ganito pala talaga.  Tapos unang linggo naiiyak ako kasi ganu’n ko na-miss ang mga bata kasi hindi ko na alam kung paanong bacon ba ‘yung gusto nilang luto, tostado ba o medyo lang.  So, naiyak ako talaga, ‘yun na pala ‘yung na-miss out kong time with the kids. Kaya I thank the Lord for the quarantine, sobrang na-enjoy ko talaga kasama ang mga bata,” pahayag ni Tyang Amy.

Ang pagtitipid ang napag-aralan ni Ryan, “na-realize kop o sa totoo lang, dapat pala makinig tayo sa mas matatanda sa atin.  Ang natutunan ko dapat mag ipon tayo dahil hindi natin alam ang mangyari sa future.

      “Buti nag-ipon ako para itng bumating na bill ng Meralco.  Kaya pala ang nanay ko kapag nandito sa bahay ko, lagi niya pinapatay ang aircon, sabi ko bakit pinapatay, dapat daw magtipid.  Ngayon ako nagpapatay na ng aircon at sauna na rito sa bahay ko.”

Sabi pa ng binata na magsimulang mag impok sa lima at sampung piso na kapag dumami ay malaking halaga rin ito.

Natawa naman kami sa unang sabi ni Karylle, “Mas gumaling na akong umorder (take out delivery), ha, ha, ha.”

karylle t (1)

      Hindi ang pagluluto ang naging prayoridad ni K kundi ang paglilinis ng bahay nilang mag-asawa, ang pag-aayos ng mga gamit at gumaling na siyang mag-vacuum.

Sabi pa, “Ang biggest realization talaga is pamilya mo talaga ang masasandalan mo.  Di ba may mga araw na naiisip mo, ‘ano ba ‘to, kaya pa ba?’  ‘Yung comfort na dala ng pamilya mo, ‘yun talaga ‘yung number one, syempre nagdarasal naman tayong lahat pero pag nakausap mo ‘yung pamilya mo kahit sa phone, it feels you safe.”

      At dahil sa bagong protocol ng gobyerno para sa New Normal ay inamin ng supervising producer na si Bjoy Balagtas na magiging mahigpit sila.

“Regarding safety protocols, the company already come up with guidelines.  We have minimized headcount of the workforce, kino-coordinate rin siyempre sa guidelines ng government. And then we have personal protection equipment and automatic to wear mask, face shields as an extra.”

At hangga’t hindi pa tapos ang tapings ay naka-lock in ang lahat kasama na ang staff and crew kasama na mga hosts.

“These are the people who will work in the period of time so there’s no risk from exposure from the outside world. So from ABS, iho-hotel namin sila para hindi sila expose while they’re on duty.”

Abangan din daw ang tatlong segment na bago sa It’s Showtime na tiyak na matutuwa ang Madlang Pipol.

Laging pasalamat nina Tyang Amy, Ryan at Karylle sa lahat ng tagasubaybau ng It’s Showtime na hindi sila iniwanan at patuloy na nanalangin para muli silang makabalik sa ere na mapapanood sa Kapamilya Channel, FB Live, Youtube at iba pang platform ng ABS-CBN.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s