AIKO, galit na galit na hinamon ang nagparatang na may ‘sex video’ ang anak na si ANDREI

BY: Reggee Bonoan

SA unang pagkakataon ay inamin ni Aiko Melendez na hindi na papasukin ng anak niyang si Andrei Yllana ang showbiz dahil sa intriga tulad ng pinaratangang may sex video siya.

Sabi ni Aiko sa kanyang FB Live nitong Lunes nang hapon, “My son took a back seat in showbiz because he cannot take the limelight because my son is just a simple boy, he just wants a simple life.”

Nanginginig sa galit si Aiko sa kay Twitter user @jakolinks dahil sa sinabi nitong may sex scandal video si Andrei at nang-engganyo pa na kapag umabot daw ng 25k ang followers niya ay ilalabas na nito ang video ng binata.

Ang kapatid nitong nasa Amerika ang nagbalita tungkol sa twitter post.

Galit na sabi ng aktres, “kantiin n’yo na ako, huwag lang ang mga anak ko!”

“Alam n’yo naman po kung gaano ako ka-over protective pagdating sa mga anak ko. Pagdating sa anak ko, kantiin n’yo na po ako, you can lambast me all you want but when it comes to my children, ako ang makakalaban ninyo,” pahayag ng aktres.

“Unang-una, si Andrei ay matino ko po ‘yang pinalaki. Kahit mag-isa po ako ay itinaguyod ko ‘yan ng maayos sa malinis na paraan na alam ko at paraan namin ng mommy ko kasi katulong ko ang mommy Elsie Castaneda) ko sa pagpapalaki ko kay Andrei.

“I can’t say that my son is perfect because no one is perfect pero hindi ko rin masasabi na ang anak ko ay isang masamang bata kasi ang anak ko kahit ganyan ‘yan, mabuting bata ‘yan. Minsan nabibigyan ako ng sakit ng ulo but never a major problem, never na pagbintangan na may sex scandal siya.

“Kaya grabe ang inis ko sa taong ito (@jakolinks) na sinisira ang pangalan ng anak ko na iningat-ingatan ko ng maraming taon kasi mag-isa ko ‘yang itinayo halos iginapang ko ‘yan ng dugo, luha at pawis para mapalaki ko ‘yan ng maayos tapos isang tao lang ang yuyurak na sasabihing may sex scandal ang anak ko!”

Nabanggit pa ni Aiko na hindi pa nga tapos ang COVID-19 pandemic ay naisip pang gawan ng hindi maganda ang isang tao.

“Andrei is only 21! He is just starting being legal but you do not have the right to destroy and ruined his reputation just because trip-trip n’yo.

“Wala ka bang nanay, wala ka bang kapatid na babae? Bakit ang mga postings mo pawang paninira ng artistang may sex scandal. E. ang anak ko wala, heto hinahamon kita (@jakolinks) kung matapang ka, lumabas ka. Kung may sex scandal ka ng anak ko ilabas mo, pero kapag wala kang (nailabas) na sex scandal, ide-demanda kita.!” Banta ni Aiko sa nagsimula ng isyu.

Dagdag pa, “walang ginagawang masama sa inyo ang anak ko, nanahimik siya. Kaya nga nag-quit ‘yan ng showbiz kasi hindi po niya ma-take ang limelight. Nakukusensiya nga ako kasi dahil sa stature ko, ang mga anak ko hindi ko mabigyan ng privacy. Pasensya na mga anak kong Andrei at Marthena dahil ito ang trabaho ko. Ito ang trabahong alam kong I’m good at at ito ang trabahong nag-ahon sa atin sa kahirapan at nabibigyan ko kayo ng disenteng pamumuhay.”

Sumali na rin sa FB live si Andrei at bumati muna sa mga nanonood.

“Nagpapasalamat po ako na mayroon kayong side na pakinggan ang side at totoong istorya po.

“Ganito po ‘yan, may pinost po sila sa aking dating Instagram at ang huling post pa po, 2017 nitong (@jakolinks), ewan ko kung anong pangalan niya, pangalan palang napaka-baboy na.

Aiko & kids

“Anyway, i-check n’yo po ‘yung twitter at kayo na po mag-judge kung anong masasabi ninyo sa account na ‘yun na pinapakita niyang as proof ay matagal na pong wala sa akin ‘yun. And when you look at it closely, 2017 pa po huling post no’n. Mapapansin naman po siguro na hindi na ako nagpo-post doon kasi wala na po akong access to that account.

“So, I don’t know what picture are they using probably getting it from someone na kakulay ko rin. If you look at the picture as well, hindi mukhang bahay namin din at hindi akin kasi ‘yung name ko na nilagay sa taas ng video ay hindi moving so halatang edited.

“I don’t know what I’ve done to you, I don’t know who you are, I don’t know why you’re hiding in another name, If I’ve done something that I am not aware of, I’m sorry.

“But me, growing up hindi naman po sa pagbubuhat ng bangko or anything, si mommy po kasi, pinalaki akong mabuti saka nag-aral po ako sa catholic school simula prep hanggang grumadweyt po ako ng high school. I don’t even see myself doing that, so nakakatawa sa viewers ni mom, nakakatawa sobra.

“Siguro para makita ninyo ang tunay na ugali ko, manood na lang kayo ng blog ko para ma-prove ko sa inyo na hindi po kasi o wala po talaga sa pamilya namin ang ganyan, eh,” paliwanag ng binata.

Sabi pa ni Andrei, “think before you post and before you share and always double check.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s