ANGEL, binabatikos pa rin at may nagsabing for ‘future use’ ang ginagawang pagtulong

BY: Rose Garcia

MIXED pa rin talaga ang reaction ng publiko o netizens sa mga pagtulong at ipinapakita ng actress na si Angel Locsin na pagiging humble and kind daw nito.

May lumabas kasing mga larawan kunsaan, kasama ni Angel at pinagsisilbihan pa nga ang ilang mga kasama nito. Tila nasa isang barrio sila.

Yun pala, taping yun ng Sunday show niya sa Kapamilya channel na Iba Yan!

May mga nag-attest na mabait nga raw talaga si “Darna.” May mga naglahad pa ng insidente na nakasabay o nakita nila ito at mabait nga raw.

Pero meron pa rin yung nagsasabing kesyo, “Ang OA na niya! Lahat kailangang may coverage. May picture.”

Meron pang nagsabi na, “Okay lang yung tumulong na lang, pero, cringe na yung ganitong ginagawa niya.”

angel-locsin1

Naniniwala naman ang iba na for “future use” raw ang lahat ng ginagawa ni Angel dahil sabi pa ng isang netizen, “sure ako, in the future, tatakbo yan sa pulitika.”

Well, personally, meron din naman kaming personal na pagkakakilala kay Angel.  Pero siguro, sa mga panahon tulad ngayon na may COVID-19, hindi rin biro ang mga sinuong nitong panganib makapagbigay lang ng tulong.

Marami pa rin itong nagawa whether pang-publicity o pang future use man tulad ng claim ng iba na hindi nagawa o ginagawa ng ibang artista na baka mas blessed pa than Angel.

Ganun talaga, lagi namang “you cannot please everybody.” Sa ngayon, importante, nakakatulong basta may means.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s