FRANKIE, tila nagiging boses ng mga kababaihan lalo na sa usaping ‘rape’; suportado nina SEN. KIKO at SHARON

BY: Rose Garcia

MAY mga bashers man, mas marami naman ang nagmamahal at napapahanga ng anak ni Senator Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

Ang dahilan, kahit na nasa ibang bansa ito, ramdam na ramdam ng lahat ang malasakit ni Frankie sa mga usaping socio at political ng bansa. Lalo na ngayon sa usapin ng rape sa mga kababaihan. Tila nagiging boses si Frankie ngayon ng mga kababaihang sa matagal na panahon ay nanahimik, natakot pa sa nangyari sa kanila.

Nang mag-post si Frankie ng stand niya tungkol dito, sinalungat ni Ben Tulfo ang sinabi ni Frankie. Pero hindi ito pinalampas ng anak nina Senator Kiko at Sharon.

Sinagot din niya si Tulfo nang, “rape culture is real and a product of this precise line of thinking, where the behavior is normalized, particularly by men. – the way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. ever. – calling me hija will not belittle my point.”

Halos karamihan naman ng netizens ay sang-ayon kay Frankie at napapahanga sa pagiging matapang nito. Bukod sa netizens, ang kanyang Daddy na si Sen. Kiko ang obviously, very proud sa anak. Gayundin si Sharon na 100% ang suporta kay Frankie.

Sharon-Cuneta-Kiko-Pangilinan

At mukhang sa magkapatid ngayon na sina KC Concepcion at Frankie, si Frankie na nasa ibang bansa at hindi pa talaga buong-buong niyayakap ang showbiz, pero walang-duda na mas maingay at napag-uusapan ngayon.

Kaya nabuo ang #hija kunsaan, dito matapang na isinisiwalat ng mga naging rape victims ang hindi nila magandang karanasan, not because, ang suot nilang damit ang dahilan kaya sila na-rape.

May mga nag-uudyok din kay Frankie na pangunahan na nito at gawing advocacy o movement ang #hija.

Sabi naman niya sa kanyang tweet, “Been asked a few times now if I’ll be pushing the #HijaAko movement into a greater advocacy. While the brainstorming is imminent, I think it’s more important right now to take the time to hear from all the people who were brave enough to share their stories.

“I’m here to amplify your voices where others might try to invalidate them and i encourage everyone to do the same.”

Sa ngayon hindi lang ang pangunahan na ang #hija ako ang ine-expect ng tao kay Frankie. Marami ang nakakakita ng “hope” through her at sana nga raw, sumunod ito sa yapak ng ama na pasukin din ang pulitika.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s