KRIS, ‘di ginamit ng ABS-CBN para ma-renew ang franchise sa panahon ni PNoy

BY: Ricky Calderon

KAHIT na talent ng ABS-CBN si Kris Aquino noong panahon na president ang brother niyang si Noynoy Aquino, hindi nila ginamit si Kris para ma-renew ang franchise ng network, na nakabimbin na sa Kongreso.

Ayon kay ABS-CBN President Carlo Katigbak, hindi niya kinausap si Kris tungkol dito.

“The prerogative to grant or deny a franchise rests solely on Congress. While we’re here to prove the committee that there is a good reason why our franchise should be renewed, at the end of the day, we respect the rule of law,” sey ni Katigbak.

Hindi rin kinausap ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez si Kris tungkol sa franchise issue.

Sabi nga ng ibang nanonood ng hearing, masyadong showbiz naman daw ang dating ni Mike Defensor sa kanyang pagtatanong.

Unang nai-file ang bill for the renewal of ABS-CBN franchise noong 2014. Pero isang beses lang tumawag ng committee hearing ang Kongreso.

“Hindi ko po masasagot ang aksyon ng Kongreso sa panahon na iyon. Sa pagkakaalam ko po, nagfile po kami ng renewal in the previous two congresses. And I understand there was only one hearing that was called with regards to our franchise application,” tugon ni Katigbak.

Sinang-ayunan naman ni Rep. Micaela Violago, one of the sponsors of ABS-CBN’s franchise renewal bill, reinforced the statement of Katigbak.

carlo kk

Violago said there was only hearing conducted at the 16th Congress, which ran from 2013 to 2016. In the 17th Congress from 2016 to 2019, Violago said she filed a bill for the franchise renewal of ABS-CBN but no hearing was conducted.

She said it was only in the current 18th Congress, which began in July 2019, that the committee started the hearings last March 2020.

Sabi pa ni Lopez, nang walang naging action ang Kongreso after ang hearing sa 16th Congress, matibay ang paniwala ng kompanya na may sapat na oras pa upang isulong ang renewal dahil 2020 pa ang expiration nito.

Dagdag pa ni Katigbak, “I don’t think there’s anything else I can add Mr. Chair except that we did file for the renewal of our franchise application with Congress and unfortunately for us, it was not acted on the 16th and 17th Congress.”

So malinaw na ang Kongreso ang natulog sa pansitan kaya di na-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Sana ngayong may hearing na ang Kongreso ay mabilis nilang maibigay ang franchise ng network at huwag nang magpaulit-ulit pa ang kanilang mga tanong na nasagot na naman noong Pebrero.

May matinding epekto sa TV industry hanggang wala sa himpapawid ang Kapamilya channel. Maraming Pilipino ang nakaka-miss sa kanilang daily source ng TV entertainment, news, and information na nais nilang manggaling sa Kapamilya network.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s