RYAN, nakumbinsi na tanggapin ang ‘Bangon Talentadong Pinoy’ dahil bago ang konsepto

BY: Nora V. Calderon

BALIK-HOST si Ryan Agoncillo sa talent show na dati niyang hinost noon sa TV-5, ang Talentadong Pinoy na ngayon ay Bangon Talentadong Pinoy na ang title.

Matatandaan na noong 2008 hanggang 2014 naging #1 sa TV ratings ang naturang talent show. Pero bakit ngayon ay muling tinanggap ni Ryan, gayung nasa Eat Bulaga pa rin siya, sa GMA Network?

“More than ever, kailangan ng mga tao ang show na tulad nito,” sagot ni Ryan.

“Noong una, hindi ko inisip na balikan ito, kasi nagawa ko na. Pero nakumbinsi ako nang malaman ko na bago ang konsepto ng show at ang layunin nito ay magbigay ng pag-asa at premyo sa mga tao na akam nating napakaraming may kailangan nito ngayon.

Ryan A

“Mas marami na ang mananalo, na aabot ng P 2.8 million ang total cash prizes, mula P2,000 to P 5,000 hanggang P 50,000 to P 250,000.

Para sumali kailangang i-like ng contestants ang Bangon Talentadong Pinoy page sa Facebook, mag-private message ng kanilang videoa ng performance nila- pwedeng solo, duo o kahit grupo. Kung masyadong malaki ang video, magpadala ng link ng video nila sa YouTube, Facebook, IG, Tiktok etc. Kapag nakapasa sila sa shortlist ng Selection Committee, kokontakin sila ng team para ipaliwanag ang susunod na gagawin.

Ang Bangon Talentadong Pinoy ay mapapanood ‘di lamang sa online, ite-televised rin ito sa bagong free-to-air channel ng Cignal, ang One TV! Ipo-produce ito ng The Idea First Company para sa Cignal TV.

Kasamang babalik ni Ryan si director Rich Ilustre, writer Paolo Bustamante, at producers sina Perci Intalan, Malou Escio Gascon at Dacky Dacanay. Ang Creative Director ay ang acclaimed filmmaker na si Jun Robles Lana.

Sa ngayon ay nagpapa-audition na ng contestants ang team ng Bangon Talentadong Pinoy at magsisimula na silang mag-taping ngayong Hulyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s