FRANKIE, pinag-iisipan pa ang gagawin bago mag-file ng kaso; hiling ng netizens na ituloy ang demanda

BY: Rose Garcia

KUNG ang netizens ang tatanungin, gusto halos ng lahat na idemanda ni Frankie Pangilinan at ng mga magulang niya na sina Senator Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta ang tao o ilang netizens na nagbanta na rereypin siya.

Marami ang hinihintay ngayon kung mauuwi sa demandahan. Nakiki-involve na rin ang N.B.I. sa ingay ng isyung ito, lalo na nang hindi na napigil ni Sharon ang matinding galit, which is very understandable sa kahit sinong ina o magulang.

Pinalalabas ng netizen, na known to be a DDS na na-hack daw ang Facebook account niya, pero wala halos naniwala sa alibi nito. Everybody wants to sue him.

Sa Twitter post ni Frankie, sinabi nitong hindi pa siya nagpa-file ng kahit na anong kaso. Pinag-iisipan pa raw niya ang ang bagay o hakbang na gagawin.

frankie sharon

Ayon dito, “To my understanding, everything the DOJ has done thus far has been of their own choosing. basta hindi pa po ako nakafile, at hindi po pwedeng magfile ang iba hanggat binigay ko ang aking pahintulot. Pinag-iisipan ko po nang malalim.

      “I want to set an example and fight for my own justice but never at the expense of others. hope you’re all safe and healthy today.

      “Okay so — there is no NBI case until i file, (no one can file without me) and i haven’t filed yet while i weigh the consequences.”

Bukod dito, kahit na nanghingi na ng public apology ang manunulat na si Ronald Carballo, isa rin ang gusto ng netizen, ang ituloy ni Sharon na idemanda ito dahil para sa netizen, sobrang pambababoy at pambabastos daw ang ginawa at maturuan din daw ng leksiyon.

Ang lahat ng ito ay inaabangan kung saan nga ba hahantong.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s