RICHARD, may payo kay SHARON sa kanyang pinagdadaanan

BY: Reggee Bonoan

SA FB Live tsikahan nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Ogie Diaz nitong Martes ng gabi, natanong ni Ogie si Richard kung ano ang puwede niyang ipayo kay Sharon Cuneta-Pangilinan.

May pinagdadaanan ito ngayon dahil sa pagtatanggol sa social media ang mga anak niya dahil bina-bash o biktima ng cyber bullying.

“’Yun ang problema kasi sa social media, anybody can just post anything,” say ni Mayor Goma.

richard gomez1

      “Pag-post ng opinyon nila, post ng galit nila, post ng inis nila.  Siguro tayong mga artista, we have to accept the fact na mayroong may gusto sa atin mayroong ayaw, so minsan masakit at napupuno ka na, kahit naman ako sumasagot ako sa mga ganyan.”

      “Tao rin tayo na nasasaktan, taong may damdamin kahit naman ako madaling mapikon so ang ginagawa ko kung kaya ko silang i-delete, dini-delete ko sila, kung kaya so silang i-block, bina-block ko sila,” natatawang kuwento pa niya.

Payo naman niya kay Sharon na planong idemanda ang mga taong nanakit sa mga anak niya.

      “That is her right kung ano ang gusto niyang ikaso,” tugon ng dating naka-relasyon ng Megastar.

      “Pero parang nakita kong humingi na yata siya (Ronald Carballo) ng paumanhin, well it’s her right (ituloy ang demanda),”

sharon cc

Samantala, inamin ni Richard na ang ginagawa niyang pagluluto na kinukunan niya ng video na ina-upload niya sa YouTube ay pampawala ng stress niya sa rami ng trabaho niya bilang Ama ng nasabing siyudad.

“Pag weekends ko to ginagawa, kasi kahit paano marunong akong magluto. Tapos dito sa bahay namin, marami kaming maliliit na garden, so ‘yung mga naiiwang lupa, tinataniman namin ng pechay, kamatis, basil so kung ano ‘yung meron dito ‘yun ang ginagawa kong part sa pagluluto,“ kuwento pa ni Goma.

Simula nu-ng nag-upload si Goma ng mga niluluto niya sa kanyang youtube channel ay dumami na ang followers niya at umabot na sa 118K at umaabot na rin sa 600k views ang karamihan sa ‘Cooking with Goma’ kumpara sa mga nauna niyang in-upload na projects at kung ano ang ginagawa niya sa Ormoc City.

Nabanggit din ni Richard na maraming pinagdadaanan ang Ormoc City na dating free-COVID case pero ngayon ay mayroon na silang kasong 56 at sana hindi na madagdagan pa at na-quarantine ang lahat ng nagdatingang kababayan niya mula Maynila.

Inamin din na malaking parte ng suweldo ni Richard bilang mayor ay napupunta sa pagtulong sa mga kababayan niya.

Sa tanong ni Ogie kung ano ang ginagawa ng kaibigang aktor/pulitiko para gumaan ang pakiramdam niya sa mga problemang hinaharap nito.

“Siguro ang kagandahan lang ngayon, araw-araw lagi sa bahay sina Juliana (anak niya) at Lucy (asawa), so pag-uwi ko ng bahay magkakasama kami.  Iyon na ‘yung pinaka-dibersyon namin, pampa-relax ng utak.  Iyon na ‘yung kalimutan mo muna ‘yung problema tatakbo naman yan at least may family time naman dito (bahay).

      “Unlike before kasi si Lucy, congresswoman based siya sa Manila and then si Juliana nag-aaral doon sa Manila pero ngayong walang klase kaya nandito sila.”

Natanong din si Richard ni Ogie kung babalikan pa niya ang showbiz, “kung tapos na ako dito sa pulitika.  Ang kagandahan kasi ng artista, simula bata hanggang sa tumanda ka, there is always a role na babagay sa’yo.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s