ANGEL at LIZA, nagpahayag ng kanilang saloobin sa pagpapasara sa TV Plus

BY: Rose Garcia

PANIBAGONG lungkot, panibagong dagok ang naramdaman ng mga Kapamilya dahil sa pagtatapos ng June, katulad ng ABS-CBN, ipinasara na rin ng NTC sa pamamagitan ng alias and cease desist order ang TV Plus.

Ibig sabihin, ang mga gumagamit ng TV Plus ay hindi na makakapanood ng Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, KBO at CineMo.

Liza-Soberano1

Katulad ng pagkaka-shutdown ng ABS-CBN, bigla na lang din wala na ang mga digital channels na ito sa TV Plus noong Martes.

May nabasa pa nga kaming kasalukuyan daw ipinapalabas ang FPJ’s Ang Probinsyano nang mawala sa ere.

Dalawa sa mga big stars ng network ang nagpahayag agad ng kanilang saloobin. Sina Liza Soberano at Angel Locsin.

Sabi ni Liza, “How come there’s so much time spent on bringing ABS-CBN down but little to no time figuring out ways to help our kababayans who are struggling during this pandemic, kaso naka GCQ pa rin tayo????”

Habang si Angel ay bumaba pa ng sasakyan nito at nag-picture sa harap ng ABS-CBN nang marinig daw niya ang balita.

      “Kanina pumara ako sa harap ng ABS nung nabalitaan ko ang posibleng pagtigil sa TV Plus at Sky. Eto nanaman yung pakiramdam na maiiyak ka na lang. Sana may option na pwede kang mamili kung saan pupunta ang binabayad mong tax. To my ABS family, hang in there.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s