Newborn baby ni RAINIER, inaabangan ng fans kung boy or girl

BY: Ruel Mendoza

KAHIT ilang taon nang nagpahinga sa pag-aartista ang StarStruck 1 First Prince na si Rainier Castillo, ramdam naman ang presence nito sa social media.

Noong nakaraang June 27, pinost nito na nasa ospital ito kasama ang kanyang misis na manganganak na sa first baby nila.

Wala pang pino-post si Rainier na photo ng newborn baby niya, pero marami na ang nagpadala ng congratulation messages sa kanya at sa kanyang misis. Hoping ang mga fans ni Rainier na makita na nila kung boy or girl ba ang panganay niya.

Aktibo ang Facebook account ni Rainier at doon niya pino-post ang mga negosyo na inaasikaso niya kasama ang kanyang misis.

Nitong tatlong buwan na quarantine, naging business nila ng kanyang misis ay ang pagbebenta ng iba’t ibang meat products. Mga regular customers nga niya ay mga kapwa celebrities niya.

rainier c

Nakilala si Rainier dahil sa kanyang “killer smile” sa kauna-unahang reality artista-search na StarStruck noong 2003. Si Mark Herras ang nakatalo kay Rainier sa title na Ultimate Male Survivor.

Naging ka-loveteam ni Rainier ay si Yasmien Kurdi, pero ang girlfriend niya noon ay si Sheena Halili. Kasal na at may isang anak si Yasmien at kasalukuyang buntis naman ang bagong kasal na si Sheena.

Lumipat sa TV5 si Rainier at gumawa ng ilang shows doon. Pero bigla na lang itong tumigil sa pag-aartista at pinasok na lang nito ang pagnenegosyo.

Kung tutuusin ay puwede pang makabalik si Rainier sa pag-aartista dahil mas guwapo ito ngayon. Pero good move na rin na nakapagpundar ito para magkaroon ng sariling negosyo dahil wala pang masyadong trabaho ang mga artista ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s