Pinirmahang kontrata ni KRIS, may non disclosure agreement; posibleng sa One TV ang talk show

BY: Reggee Bonoan

SA pinirmahang kontrata ni Kris Aquino na ginanap sa bahay niya kasama ang manager niyang si Cornerstone President at CEO, Erickson Raymundo at Vice President ng kumpanya na si Jeff Vadillo ay naka-NDA o non disclosure agreement ito.

Kaya kahit ilang beses naming tinatanong ang mga taong nasa paligid ni Kris kung ano at para saan ang kontratang pinirmahan niya dahil excited ang dating TV host at good news pa aniya.

Pero base sa tsikang nakuha namin ay may kinalaman ito sa pagbabalik telebisyon ni Kris bilang host.

Siyempre nag-one plus one na kami dahil imposibleng sa ABS-CBN dahil hindi pa nare-renew ang prangkisa nila, hindi rin sa GMA 7 dahil kung puwede, e, di sana noon pa nu’ng inilapit siya ni Willie Revillame pa.

Posible kaya sa TV5 na ONE TV na ngayon at ipalalabas sa Cignal bilang online show?

krisaquino-ericksonraymundo-jeffvadillo

Ang tsika kasi sa amin ng ilang kakilala roon ay sisigla na ulit ang entertainment nila dahil maraming mapapanood na bukod sa mga teleseryes, tagalized movies, game show at talk show.

Kung talk show ang pag-uusapan, sino ba ang may forte pagdating dito, hindi ba’t si Kris Aquino lang?

Ang tanong na lang namin since block timer ito, sino ang producer?

Anyway, abangan ang formal na announcement ni Kris kung para saan ang pinirmahan nitong kontrata kamakailan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s