ALDEN, nag-enjoy sa pagiging camera man sa ‘Eat Bulaga’; gusto ring makapagdirek

BY: Nora V. Calderon

MABILIS na kumalat sa internet ang mga cute photos ni Alden Richards na behind-the-scene ay nag-camera man sa Eat Bulaga last Tuesday.

Umani ng mga comments ang photos na lumabas sa Facebook Live din ng long-running noontime show, ang guwapo raw ng camera man.  Kahit si Bossing Vic Sotto ay nag-comment on-air ng “yung camera man natin, ang pogi, o!”

alden-bida

Hindi naman itinatago noon pa ni Alden na bukod sa pag-aartista, gusto rin niyang mag-trabaho behind-the-camera, kapag may taping or shooting siya, kapag hindi siya nagti-take, naroon siya sa likod ng camera man nila at nakikisilip sa mga anggulo ng eksena.

Isa pa ring gusto ni Alden, ay magdirek, na kung minsan ay ginagawa niya sa maliliit na eksena sa taping ng ginagawa niyang serye sa GMA Network.

alden cm

Samantala, kahit malabo ang post ng Department of Health sa isang poster na “Who Will Bida One?” kilala mo nang si Alden ito.  Kung ano ang magiging katungkulan niyang gagawin para sa DOH, abangan na lamang natin dahil ilo-launch na nila ito any day now.

At sa Sunday, July 12, live nang mapapanood si Alden at iba pang Kapuso stars sa noontime show nilang All-Out Sundays: The Stay Home Party, sa GMA-7 na magsisimula ng 12:45PM.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s