ENCHONG, nakaranas din ng anxiety habang naka-lockdown; planong mag-lie low muna sa showbiz

NI: Reggee Bonoan

NABUKING ng netizens kung ano ang nilalaman ng sasakyan ni Enchong Dee ng i-car raid siya ng kaibigang Erich Gonzales na mapapanood sa kanyang YouTube channel na may 1.01M subscribers at 508k views sa loob nang dalawang araw.

Unang pinansin ng aktres ang mahabang buhok ng aktor.

      “Dapat talaga magpapagupit na ako nu’ng March pero nu’ng nakita ako ng direktor para sa gagawin kong movie, nagustuhan niya ‘yung length ng buhok ko, tapos bilang nag lockdown, wala na akong chance (magpagupit),“ esplika ni Enchong.

Ang Montero SUV na ginagamit ng aktor ay gamit din daw ito ng buong pamilya niya kaya sa madaling salita, wala siyang sariling sasakyan.

Napansin ni Erich ang mamahaling pabango ni Enchong na nasa glove compartment at ang paliwanag ni Enchong, “ang explanation ko diyan, okay lang mag mukhang dugyot, huwag lang mag amoy dugyot.”

      May payo rin ang aktor sa mga may sasakyan na dapat laging may chocolate o pagkain sa sasakyan in case magutom siya sabay pakita ng naka-imbak niya, “expired na yata, basta dapat laging may chicha.”

Pag-amin naman ng dalaga, “ako naman kahit expired kinakain ko, may effect ba ‘yun?  Sa tiyan ‘no?”

      At may pouch si Enchong na ang mga laman ay Covid free certificate, maliit na pabango, vicks vaporub, Lola Remedios isa pang liniment na tinawag na lolo moments, eye drops at konting cash, P400 at Peri-Peri gift certificate at suklay.

Bakit naka-pajama lang si Enchong, “ito kasi ang trip ko sa buhay, masyadong maaliwalas, manipis, sobrang confy (comfortable), di ba?  Kaya kahit nasa labas ako ternohan mo lang ng mamahaling sapatos.”

Tanong ni Erich sa kaibigan, ‘hows your heart? Still beating?’

      “I’m happy just being single.  I’m so used being single, so I’m fine,” seryosong sagot ng binata.

enchong & erich

Sundot ng aktres, ‘Kelan ka ba huling nakipag-date?’

      “I go on dates naman like last year, pero ngayon, I can’t do it na.  But sige let’s go out,” sagot ni Enchong.

Ano ang kayang i-tolerate ng binata, bad breath o bad odor.

“Anything may bad hindi ko kaya kasi masyadong malakas ang pang-amoy ko,” mabilis na sagot ni Enchong.

Pero sa kalaunan baka raw kayanin niya ang bad odor kaysa bad breath.

Samantala, natanong ni Erich ang kaibigang aktor kung ano ang plano nito sa future.

“I’m in an area of my life wherein ‘yung path ko soon would just divide. And that’s the hardest part, to make a decision again.

      “Because the last time I made a decision about whether to continue my swimming or show business, it was such a hard decision. But I told myself I don’t want to have any regrets.

Inamin ding plano ng aktor na mag-lie low muna sa showbiz.

      “So, itong susunod na to will also determine kung who I want to be in 10 years. So I told myself I will probably retire from working regularly.

      “Kailangan kong mag-make ng decisions soon. Either to continue what I love doing which is our work or do something more substantial. Either in business or for my country, ‘di ba?”sambit pa.

Sa ilang buwang lockdown ay hindi itinago ng binata na nakaranas siya ng anxiety pero nalabanan naman niya iyon.

      “First of all, embrace this. If you have friend or if you’re with your family, enjoy that. Enjoy that moment.

      “Especially now. Because ito lang ‘yung meron tayo. We always have each other pero magkakahiwalay. ‘Yung you message them with as simple as ‘Kumusta ka?’ ’or ‘I love you’ or ‘I miss you’, malaking bagay ‘yun na nagagawa mo sa ibang tao. As simple as saying hi and hello will go a long way,” paliwanag ng binata.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s