KIM IDOL, kritikal ang lagay matapos maputukan ng ugat; mga kaibigan humihingi ng dasal

NI: Reggee Bonoan

KASALUKUYANG nasa Manila Central University Hospital Caloocan City kung saan dinala ang stand-up comedian na si Kim Idol dahil natagpuan siyang walang malay sa kanyang kuwarto nitong Huwebes ng madaling araw sa Philippine Arena pagkatapos nitong mag-perform.

Simula noong Marso ay naging encoder ng health declaration sa Bureau of Quarantine hanggang sa nailipat siya sa hotel sa Makati City bilang marshall para sa repatriate na OFW.

At nitong Hunyo ay nalipat na siya sa Philippine Arena bilang marshall kung saan matatagalan siya rito dahil dito dinadala ang Covid-19 patients na hindi na kayang i-accommodate sa mga hospital sa Metro Manila.

Kaya makikita sa mga pino-post na larawan ni Kim Idol na todo naka-PPE (personal protective equipment) siya at panay ang panalangin niya na alagaan siya ng Panginoong Diyos.

Kim-Idol-1

Ayon sa ina ni Kim na si Gng. Maria Argente ay may brain arteriovenous malformation (AVM) ang anak at dati na niya itong ininda.

Humihingi ng panalangin ang lahat ng kapwa stand-up comedian/comedienne ni Kim para sa agarang paggaling.

Ang kaibigang si Super Tekla ay may kakaibang naramdaman na kay Kim dahil sa mga pino-post nito.

Ayon sa post ni Tekla, “Ayan, di ka nagsasabi ng nararamdaman mo tinawagan kita dahil nararamdam ko yung post mo may something.

      “Sabi mo, ok ka lang. Sabi ko kahit, puntahan kita Kim Idol. Teh kaya pa ‘yan. Wag na ‘wag kang bibitaw. Lumaban ka, kaya mo ‘yan.

      “Ipagdasal po natin ang aming kaibigan, critical ang lagay ni Kim Idol. DIYOS KO ILIGTAS N’YO SI KIM IDOL SA SITWASYON N’YA NGAYON.”

      Post din ni Teri Onor, “Please pray for our friend Kim Idol. Naka-life support po siya ngayon sa hospital.”

      Si Philip Lazaro: “Let us all pray for KIM IDOL. Naputukan ng ugat sa ulo. In life support now. KUYA JESS, MAMA MARY PLS.”

      At si Ate Gay sa kaibigan, “Kim Idol, bakla ka! May Iceland pa tayo sa September kaya gumising ka na.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s