MIGUEL, nag-post ng bagong videos na ikinatuwa ng mga fans

BY: Ruel Mendoza

NA-MISS ng fans si Miguel Tanfelix kaya laking tuwa nila nang mag-post ito ng bagong videos sa kanyang YouTube channel.

Matagal na hindi nag-post ng video si Miguel noong magkaroon ng quarantine, kaya nasabik sa kanya ang netizens, lalo na ang BiGuel fans nila ni Bianca Umali.

Workout videos ang pinost ni Miguel. Wala pa raw kasing bukas na gym kaya may sariling workout routine ito.

“One thing I’ve learned about myself, kapag tanghali na ako nagising, tatamarin na ako buong araw. Pero kapag gumising ako nang maaga, mas energized ako at motivated na gawin ‘yung errands ko for the day.

“Ang una kong ginagawa tuwing umaga ay mag-tea at magbasa ng libro. Ito ‘yung parang jumpstart ko sa umaga. Ang next ay ang pagwu-workout.”

“Mahilig ako mag-jump rope for 30 minutes. Pero kayo, kung saan kaya mas sanay, pwede kayo mag-HIIT, hula hoop, anything na magpapataas ng heart rate n’yo.”

miguel tf1

May pino-post din na TikTok videos si Miguel at minsan naging abala siya sa mobile games.

Wish ni Miguel na makapagtrabaho na ulit sila sa TV dahil miss na niya ang live show tulad ng All Out Sundays kunsaan may dance segment sila nila Kyline Alcantara, Lexi Gonzales, JD Domagoso at Mavy at Cassy Legaspi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s