Show ni KRIS, balitang inayawan ng mga executives ng TV5

BY: Rose Garcia

MARAMI na ang netizens na nagtatanong kung totoo nga bang hindi na tuloy ang show ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

May mga nalungkot kung totoo nga dahil in fairness, nang pumirma si Kris at mag-post na samahan siya every Saturday, ang daming natuwa. Katibayan na nami-miss na rin siya sa telebisyon at mag-host ng talk show.

Tila kung ano ang naging problema kaya nawala si Kris sa ABS-CBN noon ang dahilan din kung bakit diumano’y umayaw ang ilang executives ng TV5.

Blocktimer ang Love Life with Kris pero balita namin, inayawan daw ng mga executives ng TV5.

kris-aquino-14

Naawa naman kami kay Kris. Kitang-kita kung gaano ito kasaya na makababalik na ng telebisyon at kung totoong hindi na matutuloy, may konek kaya rito ang bigla niyang pag-deactivate ng Instagram account niya?

Sabi naman ng ilang haters or bashers ni Kris, kasi naman daw, masyado itong excited at nag-announce agad, yun daw pala, hindi pa talaga sigurado?

Sa ngayon, wala pa rin talagang kumpirmasyon maging sa Cornerstone. Hintayin na lang kung posible pa rin ba ang comeback o wala na talaga?

Abangan na lang din kung hanggang kailan ang planong “Instagram detox” ni Kris at siguradong sa pagbabalik nito, imposibleng hindi ito mag-post ng related sa isyu.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s