BY: Rose Garcia
“GOT a jackpot, you know,” ang pagmamalaking sagot ng Kapuso actor na si Derek Ramsay patungkol sa girlfriend na si Andrea Torres nang mag-IG Live ito.
Ka-Instagram Live ni Derek si G3.
At dito nasagot ang tanong ng ilang netizens kung nagli-live-in na raw ba sina Derek at Andrea. Yun pala, talagang pinatira na ni Derek si Andrea at ang pamilya nito sa bahay niya ngayong naka-quarantine pa rin.
During ECQ, magkahiwalay silang dalawa at nasa kanya-kanyang bahay kasama ang mga magulang. Pero nang ma-lift na ang ecq, nagsama na raw ang pamilya niya at pamilya ni Andrea.
“The first thing I did noong matanggal ang lockdown, pinagsama ko talaga yung dalawang pamilya. Lahat kami sama-sama. Mom & Dad ni Andrea and my parents. Sama-sama kaming lahat sa Tagaytay.
“It wasn’t na tatakbo ako kay Andrea… that’s why you know, this relationship is so real. It’s not just about me and her. We got the families together and we spent it in our home, together, all of us.”
Sabi pa ni Derek, nakikita at nararamdaman daw niya ang genuine relationship din ni Andrea sa parents niya at mga kapatid.