HEART, halatang enjoy at nang-i-engganyo sa Sorsogon na lang tumira

BY: Rose Garcia

KASALUKUYANG nasa Sorsogon si Heart Evangelista ngayon kasama ang mister na si Governor Chiz Escudero.

      Pagkatapos nilang magkahiwalay ng ilang buwan during the lockdown.

Pero emote ni Heart nang ayaw noong unang mag-join ni Chiz sa pa-IG Live niya dahil katwiran nito, Sunday at rest day naman daw niya.

Sey ni Heart, “Alam mo, hindi ko na siya kilala. Hindi ko na siya nakikita. Kaya rin I need to always wear my outfits, ganyan… para kapag nakikita niya ko, ganda naman ng girl na ‘to? Kasi, hindi na kami nagkikita talaga.”

heart-white-sorsogon

Sobrang busy nga raw ng mister niya. Hindi lang kami sure kung nagbibiro lang ito nang sabihin din na dinededma siya ni Chiz. Hindi nga raw ito masarap sorpresahin dahil maa-upset lang daw siya sa reaction.

Pero bawi rin ni Heart, okay lang daw sa kanya dahil kumpara noong mas bata siya, hindi na raw siya clingy ngayon.

      “When I got older and I met Chiz, I became more independent which I realized, it made me discover myself more and I don’t rely with anyone.

      “And I get to do more things.”

Sa isang banda, halatang enjoy si Heart sa kanyang second home, ang Sorsogon at ine-engganyo na lahat daw, sa Sorsogon na lang tumira.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s