Talk show ni KRIS sa TV5, tuloy na tuloy na; Kapamilya at Kapuso stars, puwedeng mag-guest

BY:  Reggee Bonoan

TULOY na tuloy na nga ang show ni Kris Aquino at sa katunayan ay nag-promo shoot na siya sa TV5 studio nitong Martes para sa teaser na ipalalabas ngayong linggo.

Inaalam pa lang namin kung Agosto 15 o 22 ang airing ang ng Love Life with Kris sa TV5.

Sa nakuha naming impormasyong ay si Mark Meily ang direktor ng promo shoot at lahat ng production staff ay nakasuot ng PPE o personal protective equipment at namumukod tanging si Kris lang ang hindi maliban sa gamit nitong face mask at face shield na tinatanggal niya pag gigiling na ang kamera.

Eksaktong alas dos ng hapon dumating si Kris sa TV5 kasama ang handler, right hand at make-up artist at sadyang nilimitahan lang ang mga taong nasa studio na ang kuwento sa amin ay nagulat ang mga nakakita na tila na-starstruck sila dahil walang anunsyo na darating ang Queen of All Media.

kris aa

Kahit gustuhing magpa-picture ng mga staff ng TV5 ay hindi puwede dahil sa ipinatutupad na health protocols kaya’t nagkasya na lang sila na i-video at kunan si Kris sa kani-kanilang cellphones.

Habang nasa studio si Kris ay sumilip ang tinaguriang ‘hari’ ng TV5 na si Raffy Tulfo at nagbigay galang sa bago nilang Kapatid at ang bilis ng mata talaga ng una dahil pinuri niya ang magandang suot na sapatos ni Idol Raffy.

      “Maganda ka sa personal,” ito naman ang nakangiting sabi ni ginoong Raffy kay Kris.

Weekly ang Love Life with Kris at anything goes ang pag-uusapan sa show at ng mga guest ni Kris na puwedeng Kapamilya at Kapuso artists, kaya wala ng exclusivity sa guestings sa show ni Kris.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s