ALDEN, naniniwala na ‘di dapat bina-bash ang mga artistang nagpapahayag ng kanilang stand sa mga isyu

BY: Rose Garcia

NANINIWALA ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na hindi dapat kinukuwestiyon, lalo na bina-bash ang mga artista na nagpapahayag ng kanilang stand, komento o mensahe sa social media, kahit pa ito ay tungkol sa usapin ng bansa.

Bilang mga celebrities, naniniwala si Alden na mas may access sila at influence rin na puwedeng gamitin.

      “Siyempre, celebrities tayo, mayroon tayong following, mayroon tayong mga supporters. Ang nakakatuwa kasi kapag may mga supporters ang isang celebrity like me, ‘yung mga supporters ko kapag I shared a good campaign with good intentions, naka-follow sila, e. Kumbaga network ‘yan, e. Parang it starts from you, goes down to your followers, the loved ones of your followers, etc. etc,.”

Nabanggit ito ni Alden nang makausap siya ng eklusibo ng GMA News.

Alden Richards H&S

Sabi nga ng Centerstage host, bilang isang public figure, may obligasyon din sila o responsibilidad para maipalaganap ang tamang impormasyon sa publiko.

“Kasi tingin ng iba, I’m not generalizing everyone, but siguro may iba na kapag nagpa-participate ang isang celebrity sa isang campaign against a global issue like now it’s COVID-19, parang hindi kasi essential and I totally disagree to that.

“Every public personality is essential for the distribution of truthful information to the public and the public deserves true information. Parang du’n sila nagre-rely, e. Du’n nagre-rely ang public sa mga information na nakukuha nila. Kung paano sila mabubuhay everyday. They don’t deserve fake news.

      “Ang pwede naming maibigay is true information and presence and influence namin to raise awareness about certain issues na nangyayari sa paligid natin,” sabi pa niya.

Si Alden din kasi ang napili ng Department of Health’s (DOH) campaign ambassador through its anti-COVID-19 initiative dubbed as “Bida Solusyon.”

At sa totoo lang, siguro nga ngayong panahon na ito na may pandemic, mas nakikita rin kung sino sa mga artista ang talagang relevant kahit sa paningin ng mga advertisers.

Aba, eh, si Alden yata among the stars today ang napaka-in-demand pa rin in-terms of endorsements at sunod-sunod ang mga kumukuha at ginagawa niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s