GLAIZA, sinusulit na lang ang mga araw sa kanilang beach house

NI:  Nora Calderon

SIMULA pala nang mag-lockdown last March, hanggang ngayon ay nasa kanilang vacation house pa rin si Glaiza de Castro, sa Baler, Quezon.  Sinusulit daw niya ang mga araw niya sa kanilang beach house. Kaya lahat ng work niya ay through virtual na lamang niya ginagawa, since iyon naman ang uso ngayon sa new normal.

Kaya ipinasilip ni Glaiza ang rooms at amenities ng kanilang bed and breakfast na tinawag nilang Casa Galura (real surname ni Glaiza).

      “Nagsimula yung idea ng bed and breakfast around two years ako nang nag-ocular kami dito sa Baler.  Nakita namin itong property and parang maganda siyang i-develop.  Nagkaroon ako ng idea from my travels,” kuwento ni Glaiza.

“Good decision na nagpunta kami rito sa Baler at dito na inabutan ng lockdown last March. Napakaganda pala ng lugar na ito, para dito kami mag-stay.  Dati kasi tuwing weekends lang kami umuuwi. 

glaiza dc11

      “Ngayon, nakilala ko na ang community, may mga friends na ako, sobrang accommodating nila, sabi ko nga sa kanila parang ayaw ko nang umuwi ng Manila.”

Hindi rin naman nawawalan ng work si Glaiza dahil pwede nga siyang mag-guest sa mga shows through virtual at zoom app.  Kaya hindi problema sa kanya na every Sunday ay napapanood siya sa All-Out Sundays na ngayon ay live na ring napapanood sa GMA-7.

Nakapag-guest din si Glaiza sa anniversary celebration ng Mars Pa More at nakipagkulitan siya kina Camille Prats at Iya Villania kahit nasa Baler, Quezon siya.

Soon ay magsisimula na ring mag-taping si Glaiza ng bago niyang teleserye sa GMA Network.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s