JENNYLYN, sinaluduhan ang mga frontliners at dapat talagang papurihan

BY: Rose Garcia

NAGDEDEBATE pa rin ang netizens hanggang ngayon sa naging statement ni Jennylyn Mercado sa kanyang Twitter account tungkol sa katatapos lang na SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing tweet ay sinaluduhan ni Jennylyn ang mga frontliners natin at ang mga ito raw talaga ang dapat papurihan, hindi ang mga government officials.

Matapang na tweet ni Jen, “The role of the government is to promote the welfare of this country sa kahit ano mang sitwasyon.

      “That is why any progress or positive action na nagawa nila ay hindi na kailangan bigyang puri dahil ‘yun naman talaga ang trabaho nila.

      “Ang mga tao na dapat bigyang pugay ay ang ating mga makabagong bayani. Maraming salamat sa ating mga doctors, nurses, teachers, mga sundalo, at ang iba pang mga frontliners na patuloy ang serbisyo sa ating mga Pilipino. Saludo po kami sa inyo. Maraming maraming salamat,” ang tweet ni Jen.

As expected, ang iba ay hindi sang-ayon at sinasabing parte naman ng trabaho ng frontliners ang kanilang ginagawa the same way nagtatrabaho rin ang gobyerno.

Sinagot naman ito ni Jen nang, “there’s a difference between doing your job and dying because of your job. Our front liners swore to help the Filipino people but did not swear to be killed by the virus.”

jennylyn m1

      Dugtong pa ni Jen, “They have been working longer hours with limited ppe,tighter shifts, at hindi man lang bigyan mg mandatory swab tests. Parang mali na kinumpera natin sila sa politicians katulad ni Sen (Bong) Go, who has the privilege to have VIP testing & is doing the bare minimum of what is expected.”

Sa SONA kasi ni Pres. Duterte ay pinasalamatan niya si Sen. Bong Go pero hindi nagpasalamat sa frontliners kaya naman pinuna ito ni Jen.

Samantala, marami namang natawa sa tweet joke ng aktres kung saan ay nag-post siya ng nag-viral na larawan ni Presidential Spokesman Harry Roque na natutulog habang nagso-SONA.

Ang Caption niya, “goodnight bessies. Sana maging kasing himbing ng tulog ni Sec Roque ang tulog ninyo. Sweet dreams everyone!” Pero sey naman niya agad din, “joke lang Sec! Fun fun fun lang hehe.”

May fan namang nag-alala sa kanya sa rami ng kanyang bashers at tinanong siya, “Bessie. Ang daming artista na nagsasalita ang binabash at nilalait. Kakayanin mo pa ba? Sagot naman ni Jen, “I am a lot stronger than you think. Kayang kaya. Ako pa?”

Personally, isa kami sa natutuwa at napapahanga ni Jen sa pagiging “mulat” na niya at lakas ng loob na mag-tweet at pumuna.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s