JERRY YAN, balik-serye at yummy pa rin sa edad na 43; LUIS, nag-react sa pasabog na six-pack abs

BY: Rose Garcia

IBA pa rin talaga si Jerry Yan ng F4 o sa Meteor Garden na naging dahilan kung bakit na-invade rin ng South Korea ang Asia pagdating sa mga drama.

Kahit napakarami ng kinahuhumalingang K-actors, iba pa rin ang power ng isang Jerry Yan.

May bago itong serye, ang Count Your Lucky Stars na first episode pa lang, mukhang ang dami nang nanood. Yun nga lang, sa ilang site lang na available online dahil wala ito sa mga legit streaming sites tulad ng Netflix at VIU.

Paano ba naman, umagang-umaga kahapon ay nagpasabog ng kanyang six pack abs ang Taiwanese actor/singer! Aba, nakaupo sa bathtub na walang makikitang suot niya at talagang namumukol ang mga pandesal.

Kaya siguradong ang daming nabusog, agahan pa lang.

Love ng Pinoy si Jerry Yan o si Dao Ming Si ng Meteor Garden. Halos magdadalawang dekada na nang ipalabas at dumating din sa Pinas si Jerry kasama ang ibang F4, pero, hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang paghanga sa kanya.

43 na si Jerry pero para itong hindi tumataba. Instead, mas lalo pang nagiging “yummy” sa paningin ng lahat now na ang ganda lalo ng katawan.

Ang daming news site na nag-report ng picture ni Jerry sa first episode ng drama at maging kay Luis Manzano ay hindi ito nakaligtas.

Nag-post ito ng picture niya na nakaupo rin sa bathtub at nakahubad, but unlike Jerry, walang abs na ipinakita.

At humirit sa Instagram caption niya nang, “Di naman sa pang-aano Jerry Yan, papunta ka palang, naka-ilang balik na ako… spell SEXY? L-U-I-S. Boom.”

Nag-react naman ang girlfriend niya na si Jessy Mendiola at sinabing, “Cute mo naman” kay Luis na nireplayan nito nang, “alam mo na yun howhow.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s