KORINA, ni-reveal na rin ang secret ng fountain of youth

BY: Rose Garcia

NOONG una pa lang naming makita ang pictures na magkasama ang CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rei Anicoche-Tan at ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez, na-anticipate na namin na one of these days, Korina will be one of the many celebrity endorsers of Beautederm.

Ka-join na nga si Koring nina Marian Rivera, Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, Gabby Concepcion at napakarami pang iba sa pamilya.

Sobra ang paghanga ni Ms. Rei kay Korina. As in, idol na idol niya ito at hindi nga makapaniwala noong una na nakakasama at nakakausap na niya ang misis ni Mar Roxas.

korina s-beau

Kaya naman kasabay halos sa pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng Beautederm Corporation, ni-reveal na rin ni Korina ang kanyang sikreto o ang sagot niya sa madalas na tanong sa kanya kung ano nga ba ang kanyang fountain of youth.

Aniya, “marami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day.”

Ang collagen ay isang essential supplement na dahilan kung bakit rejuvenated ang ating katawan internally at externally. Collagen preserves and promotes youth of the organs at kasama na dito ang kutis and ang buhok. Distributed ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink ng RD Healthy Living Corporation na sister company ng Beautéderm.

rei tan1

Para sa karagdagang impormasyon at exciting updates ukol sa K-llagen at kay Korina Sanchez-Roxas, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Very proud nga raw si Korina sa bagong endorsement na ito at bukod din sa pagiging young-looking, aba, pasabog ang latest Instagram niya kunsaan, mai-insecure na sigurado ang mas bata at mga single lady sa kaseksihan niya.

On her one piece swimsuit ay mega-pose si Korina sa swimming pool. Nang-i-inspire ito na from 118 days since Day 1 of lockdown, from 121 lbs, nasa 110 lbs na lang siya ngayon.

Aniya, “I’ve been able to maintain 20-50g cards daily only. Swimming. 5 lbs weight. Kaya mo rin yan!””

Napa-taas kamay na lang ang aktres na si Bea Alonzo sa paghanga kay Korina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s