SUE, nag-birthday salubong kasama si KRISTEL at mga kaibigan kaya may nag-react

NI:  Reggee Bonoan

NAKATANGGAP kami ng video ng birthday asalto ni Sue Ramirez noong Hulyo 19 mula sa TV host na kuha ng kaibigan niyang si Kristel Fulgar na uploaded sa Instagram account at YouTube channel.

Ang comment ng nagpadala sa amin, “Alam mo, tuwang tuwa ako sa dalawang ito (Sue at Kristel) pero ngayon may mali. Baka gayahin sila ng iba. Si KC Montero nga hinuli eh diba?

“Ang mga artista sana dapat good influence. Etong mga ito, aba’y nagparty pa. Pajama party, invited HS friends over for her salubong birthday. At ipinost pa sa YouTube. Kahit pa iilan lang yan, kung galing sila sa ibat ibang bahay, hindi mo alam kung ano ang meron in each homes. Covid knows no one. Kaya hindi nagfa-flatten ang curve dahil sa mga ganito eh.”

Dagdag pa, “But ofcourse that is just my opinion.”

Nabanggit namin sa nagpadala na sa pagkakaalam namin ay puwede ang mass gathering tulad nitong pajama party ni Sue kung 10 or less ang tao.

      “Still with physical distancing right? Panoorin mo. Love ko sila promise. Medyo off lang ito for me,” sagot sa amin ng TV host.

Kristel-Sue

Pinanood namin ang nasabing video at limitado nga ang bisita pero napansin naming wala silang mga suot na face masks o face shields, nagsa-sayawan, nagkakantahan at hampasan pa ng mga unan as in walang social distancing nga.

Sa simula ay naka-pajama outfit na si Kristel at pumunta ng Trinoma para kunin ang cake na pinagawa niya for Sue saka sumakay ng sasakyan at diretso sa bahay kung saan ang asalto at dinatnan niya ang mga kaibigan ng kaibigang aktres.

Nakita naming walang health and safety measures si Kristel dahil ang damit na ginamit niya pagpunta ng Trinoma ang siyang gamit din niya sa party at hindi nagpalit or something, well baka naman nag wisik-wisik siya ng alcohol, pero sapat na ba iyon? At take note ang dami nilang pictorial na magkadikit at magkayakap pa.

Samantala, may padalang birthday cake ang aktor na si Javi Benitez na leading man ni Sue sa pelikulang Kid Alpha One at pinasalamatan siya ng aktres, “thank you, Babe.”

Umabot sa 429,155k ang views sa YouTube channel ni Kristel na tumakbo ng 10 minutes at 2 seconds at pawang binabati ang dalawang aktres dahil sa magandang friendship nila ng netizens na umabot sa 1,527 comments.

Ang tanong, nagpa-rapid test kaya sina Sue at mga kaibigan para masabing safe silang magdikit-dikit?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s