ALEX at MIKE, sinigurong naging safe ang ‘pamamanhikan’; kasal sa 2021 wala pang petsa

NI: Reggee Bonoan

NITONG Agosto 1 pinost ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel ang pamamanhikan ng pamilya ng husband-to-be na si Mikee Morada kasabay na rin sa selebrasyon ng ikatlong taong anibersaryo ng kanyang YouTube channel.

Sinasabing walang social distancing at walang suot na face mask/face shield sa ginanap na ‘pamamanhikan’ ng pamilya ng fiancé ni Alex sa bahay ng dalaga sa Taytay, Rizal.

Pero may disclaimer naman kaagad kilalang Vlogger at aktres, “nagpapasalamat po ako na nakapunta kayo (Morada family) kahit mayroon tayong crisis although we made sure naman na everyone is safe sa pagpunta n’yo rito.”

Anyway, maaga palang ay pinaghandaan na nina Daddy Bono at Mommy Pinty ang pagdating ng kanilang balae kasama ang mga kapatid ni Mikee dahil pinalinis nila ang buong kabahayan at nagpaluto at nagpalagay ng magagandang bulaklak sa kanilang 20 seater dining table.

alex-mikee

Excited si Alex sa pagdating ng magulang ng mapapangasawa na sinasabayan pa ng kanta.

“Our family will meet now today is the day, tonight is the night that Gonzaga and Morada together again, I love you my love (sabay lapit ng camera kay Mikee), your mama will say hi to my papa and your papa will say hi to my mama,” ayon pa sa dalaga.

Saktong 7:30PM nagsimula ang hapunan at sinabayan ng kuwentuhan at si Toni (Gonzaga-Soriano) ang bumabangka habang kumukuha ng video si Alex.

Maagang natapos ang masaganang hapunan dahil 9:35PM ay pauwi na ang pamilya Morada dahil nga malayo pa raw ang biyahe nila.

Anyway, bago pinauwi ni Alex si Mikee ay nag-video muna silang magkasama para pasalamatan ang magulang ng binata at sa mga kababayan din ng binata sa Lipa City.

Sa 2021 na ang kasal ayon naman sa aming source pero wala pang petsa at lugar dahil depende raw sa pandemya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s