ARKIN, bibida sa 12-episode BL series na ‘Oh My Sexual’

NI:  Ricky Calderon

SASABAK na rin sa BL or Boy Love genre ang dating Master Showman mainstay na si Arkin del Rosario.

Siya ang bida sa upcoming 12-episode series na may titulong Oh My Sexual na ididirek ni Joey Ting, na siya rin producer.

Arkin din ang pangalan ng karakter na kanyang gagampanan sa series.

“I am playing the role of a romantic guy who is artistic and creative, and who loves to read books because it fuels his own mind and his passion in life. He is also a big car enthusiast who enjoys long drive with his friends,” paglalarawan niya sa kanyang role.

arkin del rosario

Kwento pa ni Arkin, very logical ang karakter niya pero mayroon din itong playful at sexy side.

“Ito yung part na nakaka-relate ako. Favorite pastime ko kasi ang reading. Passion ko ang pagbabasa. Mahilig din akong mag-joy ride with my friends. Enjoy ako just driving around kahit wala naman akong particular destination in mind. Nakaka-relax ito for me.”

Ito raw ang isa sa pinaka-challenging role na dumating sa kanya kasi siya ang narrator ng kwento ng bawat karakter sa series.

Kailangan na pumasok siya sa perspective ng bawat karakter sa paglalahad niya ng kwento ng mga ito.

“For me it’s a challenge because it’s like taking on several characters and perspectives all at once. Since this is the first BL series in the Philippines with a black comedy genre, this is not my usual cup of tea and of course we are not yet sure how the audience is going to respond to this kind of genre.     “But we are hoping for the best of course and we are really putting our best efforts together,” wika pa ng Tyronne Escalante Artist Management talent.

arkin del rosario12

Ito ang comeback acting project ni Arkin since 2016. Natutuwa rin siya dahil excited din ang kanyang mga fans sa pagbabalik niya sa pag-arte.

Aminado naman si Arkin na medyo pressured siya in playing the role sa Oh My Sexual pero tinanggap niya ang hamon because he feels privileged na magsalita sa isang bagay na hindi openly discussed, or a subject matter that is quite sensitive and controversial for the conservative people in our society.

“I also never expected I would ever be cast in a BL series, much more take on the lead role, so I am really just honored and happy.”

Hindi naman daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role sa Oh My Sexual. Gusto daw niya na makagawa ng something new and unexpected, yung di pa niya nagagawa before.

Oh My Sexual will start streaming in You Tube Channel on August 18.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s