JENNYLYN, inalmahan ang patutsada ni ARNELL sa komento niya sa mga isyung panlipunan

BY: Rose Garcia

KILALANG DDS si Arnel Ignacio, pero sana, kahit katiting, nakikita niya rin ang pinanggagalingan, lalo na ng mga kasama niya sa industriya bakit biglang naging “woke” na ang mga ito sa nangyayari ngayon sa bansa at sa gobyerno.

Hindi kami sang-ayon at hinding-hindi magiging sang-ayon sa sinabi niya sa Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na, “wag n’yong pasukin ang hindi ninyo linya” dahil sa simpleng tanong ni Jen kung saan napunta ang perang inutang ng gobyerno.

Mukhang nakalimutan ni Arnelli na artista rin siya na pinasok ang linya ng politika.  Pero mukhang natatalo naman tuwing tatakbo, pero dahil naging diehard Duterte, in-appoint siya bilang Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) noong 2018.

Ang sabi pa ni Arnelli, “do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo.”

jennylyn m1

      Ibig sabihin ni Arnelli, yung popularidad ng mga artistang ito katulad ni Jennylyn, hindi nila puwedeng gamitin na influence? Ang mga Duterte supporters na artista lang ang puwedeng magsalita at magpahayag ng saloobin?

Sige, ilabas na natin ang linyang, “nagbabayad naman sila ng tax at malaking tax pa” kahit isang nagdudumilat na katotohanan ito, sila ay mamamayan ng bansang ito at may karapatan ang bawat isa na magsalita, magpahayag at magtanong.

Dapat siguro si Arnel ang magtanong at mag-reflect sa mga nagiging pahayag niya. Mainam din siguro kung pag-isipan niya ang tila sagot ni Jennylyn sa kanya sa pamamagitan ng Twitter account nito.

Sey ni Jen, “May qualification ba dapat bago ka magkaron ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan? Hindi ba sapat na mamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kelan Pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik?

      “The moment you hinder someone from speaking their mind to is the moment you failed to respect the rights of your Fellow Filipino…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s