GERALD, todo-iwas na pag-usapan ang relasyon nila ni JULIA; aminadong nahirapang ka-eksena si ARCI

NI:  Reggee Bonoan

SA nakaraang virtual mediacon ng special digital film na Love Unlock na mapapanood ng eksklusibo sa Kapamilya Online Live ngayong Sabado (Agosto 15), 7:30 ng gabi, tumangging pag-usapan ni Gerald Anderson si Julia Barretto.

Natanong ang aktor kung ano talaga ang relasyon nila ngayon ng aktres, baka kasi gusto niyang i-unlock ito para mabigyan na ng kasagutan ang tanong ng lahat.

      “Ang ganda ng segue, ha. Siguro unang-una, ayoko na rin pag-usapan ang isang taong wala naman din dito.

      “Walang koneksiyon sa ginagawa natin ngayon. Respeto na rin po siguro sa kanila. Labas po tayo diyan,” pag-iwas ng binata.

Love-Unlock-2

Kaya hindi maiwasang pagdudahan na may relasyon sina Gerald at Julia dahil madali naman sagutin ng ‘oo’ kung sila nga at hindi pag wala talaga.

Pero wala siyang nabigay na malinaw na sagot kundi umiwas siyang pag-usapan.

Katwiran naman ng aktor na gusto niya ng tahimik na buhay, “Ganun po talaga yung character ko. I mind my own business. At ipapayo ko rin ‘yan sa ibang tao.”

      Mahigit isang taon na ang nakaraan nang ma-tsismis sina Gerald at Julia nang sabay silang umalis sa birthday party ni Rayver Cruz na ginanap sa The Fort noong Hulyo 23, 2019.

Nauna naman ang balitang naghiwalay na rin noon sina Julia at Joshua Garcia; samantalang wala na ring komunikasyon noon sina Gerald at ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo na ayon sa huli ay bigla siyang hindi kinausap ng dating karelasyon.

Si Arci Munoz ang kapartner ni Gerald sa Love Unlock: Hook-Up na mula sa direksyon ni Dado Lumibao mula sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos handog ng RCD Narratives.

Base sa trailer ng ‘Hook-Up’ ay may sexy scene sina Gerald at Arci na ito ‘yung kinuwento ng dalawa na nahirapan silang gawin kasi nga nag-shoot sila thru zoom at mag-isa lang sila sa kani-kanilang kuwarto na paulit-ulit na sabi ng aktor, “ang lakas ng sex appeal ni Arci ‘yung mga reaksyon ko ro’n medyo true to life story.’’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s