KRIS, welcome na welcome at malaki ang maitutulong sa TV5; may dapat lang ayusin sa talk show

BY: Rohn Romulo

KRIS NEW PHOTO1SA ginanap na Zoom virtual presscon last Thursday (August 6) na pinangunahan nina TV5 President and CEO Robert Galang at TV5 Head of Programming Direk Perci Intalan, hindi nga kasama ang show ni Kris Aquino na Love Life with Kris sa TV plug ng new shows.

Kinabibilangan ito ng morning show na Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy) nina Pokwang, Pauleen Luna at Ria Atayde, Fit for Life ni Jessy Mendiola, at Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdez.

Back-to-back naman ang bagong game shows na Bawal na Game Show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros at ang Fill in the Bank nina Jose Manalo at Pokwang.

Balik-hosting na si Ryan Agoncillo sa dating talent search show na ginawang Bangon Talentadong Pinoy na kung saan ang mga talent scouts na sina John Arcilla, Janice de Belen at Joross Gamboa sa pilot episode.

PERCI INTALAN
Perci Intalan

Bumuhos naman ang komento nang i-post ng TV5 sa kanilang facebook account ang TV plug na sinasabing nilang magpapa-Wow ngayong simula ngayong Agosto 15 na kung saan kasama rin ang lodi sa public service ang Idol in Action ni Raffy Tulfo.

Kalat na nga ang tsika na problemang dapat pang ayusin sa show ni Kris na may kinalaman din sa producer.  Tapos inabutan pa ng MECQ, kaya hindi matutupad ang sinabing dapat daw ay taped as live.

May lumabas pang baka sa August 22 na ito umere, pero papasok na ito sa Ghost Month na ayon sa Feng Shui ay hindi raw maganda na magsimula ng bagong show.

Kaya suggestion na sa September na lang mag-pilot ang Love Life with Kris, tutal every month naman ay may gagawing pasabog ang TV5.

Samantala, sinagot naman ni Direk Perci ang pagkaudlot ng talk show ni Kris.

      “As far as we are concerned, Kris Aquino is very much welcome on TV5. In fact, we are preparing na for her show, but I think there are a few things that they need to fix within their side because TV5 is not producing the show and it’s actually produced externally.

      “Kaya hihintayin namin silang maging ready. But again as far as we are concerned, we gladly welcome her and we look forward to having her on our channel,” sabi niya.

      “August 15 is really the original airing. I guess ang hirap sagutin nung details kasi that’s their turf kung ano yung nangyayari inside in their discussion, within their production. But one thing is for sure, excited na talaga kami,” tugon pa ni Direk Perci.

TV5 NEW SHOWS

Dagdag pa niya, “But again, maraming factors, I guess kasi tatamaan sila ng MECQ. Bawat show kasi iba-iba yung lead time eh. So nung sinabi nila na hindi pa ready before, wait muna, we respect that.

Aminado naman si Direk Perci na malaki ang maitutulong ni Kris sa pagri-revive ng TV5 sa kanilang entertainment shows.

“Yes, she’s a big help for TV5. Kris Aquino is Kris Aquino. Kita mo naman with the few things that is happening sa show niya, pinaguusapan na eh. Yun yung power ng isang Kris Aquino, everything that she does is already news worthy.

      “Wala pa yung show pinaguusapan na, what more kapag nandiyan na yung show, sambit pa niya.

Anyway, umaapela naman ang netizens na sana raw ay palakasin pa ang signal ng TV5 para mas marami pa makapanood lalo na ang pagbabalik-talk show ni Kris, na marami na talagang excited at nag-aabang.

Pero ang balita ay sinisumulan na raw ang pag-a-upgrade ng signal ng TV5 na papunta na rin sa digital TV tulad ng ginawa ng ABS at GMA.

Pero sa ngayon, yun mga nasa probinsya ay makakasagap lang ng malinaw na signal kapag naka-Cignal cable at iba pang provider.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s