Pag-follow uli ni JULIA sa twitter account ni JOSHUA, nag-viral; na-save ang friendship kahit nagkahiwalay

NI:  Reggee Bonoan

WALANG issue na pagsamahin uli ang ex-couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa mga bonggang projects ng ABS-CBN tulad na lang ng original digital special na Love Unlock: E-Numan na mapapanood sa Kapamilya Online Live ngayong Sabado (Aug. 15), 7:30 p.m.

Mas pinili kasi nina Julia at Joshua na i-save ang kanilang friendship kesa tuluyang magkalayo pagkatapos nilang magkahiwalay

      “Kasi sayang, e. We had a lot of good memories together,” sey ni Julia.    “We were also friends before we became lovers.  So we just wanted to go back to that and save the friendship.”

Dagdag pa niya, “We were able to work at peace. We were able to come face to face at peace. Talk to each other at peace.

      “Grateful ako kasi pina-mature talaga kami ng panahon ni Josh.”

Natanong din ang dalawa kung nagkailangan ba sila nang gawin nila ang naturang proyekto?

      “Parang wala naman. Simula nu’ng naghiwalay kami, ang sama pakinggan nu’ng naghiwalay. Hindi naman kami nawalan ng connection sa isa’t isa.

      “Parati namang nagkaka-text kami. Nagpunta pa ako sa bahay n’yo before, di ba?” tanong ni Joshua kay Julia na sumagot ng, “Yeah, ilang beses.”

JoshLia-Love-Lock

Kuwento pa ni Joshua, “May mga times kaming ganu’n. Baka feeling lang ng mga tao kasi siyempre naghiwalay kami, pero wala naman po.”

Nag-viral naman ang pag-follow uli ni Julia kay Joshua sa Twitter na labis na ikinakilig ng JoshLia fans.

Matatandaan pag-unfollow ni Julia kay Joshua sa Twitter at Instagram ilang buwan na ang nakararaan.

Paliwanag ni Joshua, “Pinag-usapan din natin ‘yan before pa, e. Nagkatawanan tayo before sa eroplano.

      “Parang second day na nu’n na in-unfollow niya ako. Pagkakita ko sa kanya, sabi ko, ‘In-unfollow mo ako?’ Pinagtawanan lang namin.”

Chika naman ni Julia, “Palagi niya ako tinutukso bakit ko daw siya in-unfollow.”

Naaliw naman ang members ng press sa asaran ng dalawa lalo na ng sabihin ni Joshua kay Julia na hindi pa rin daw siya pina-follow ng ex-girlfriend sa Instagram.

Pahabol pa ni Julia, “And we’re both really at ease with each other. And nakakapag-asaran pa kami, like what we’re doing right now. It’s so nice to have that.

      “And I think being good friends and being at peace with each other is the reason why we’re in a very good place right now.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s