MAYOR CHAVIT SINGSON, mamimigay ng Visa Debit Card sa buong bansa

NI:  Rohn Romulo

GRACIA para sa MASA.

      Sa gitna nang nararanasang nating hirap ng buhay dahil sa pandemya na dulot ng COVID-1, walang inisip ngayon ang LMP National President at Narvacan Mayor na si Luis Chavit Singson kundi matulungan ang mga nahihirapan na kababayan mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao.

      Sa panahong ito kung saan ang pinakaligtas at pinakamabilis na transaction ay ang paggamit ng cashless products kapag may binibili o binabayaran para maprotektahan ang sarili sa pagkalat ng pandemya, marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang access sa financial products katulad ng bank account, ATM, insurance o credit card kahit gustuhin man nila.

Photo by Rappler

      Dahil dito,  binuo ni Mayor Singson ang programang Financially Empowering the LGU’s through Digital Transformation.  Karamihan pa rin sa ating kababayan ang hindi makapag-provide ng  complete requirements pag nag-apply ng ATM o bank account.   Maaaring kulang sa ID sa kadahilanang dapat laging dalawa, o kung minsan tatlo pa ang niri-require ng  bawat bangko para magbigay ng bank account. 

      Kaya naman layunin ng nasabing programa through the initiative of  Mayor Singson ang mag-distribute ng Visa Debit Card with bank account and Residential ID in one ng libre sa lahat ng municipalities sa buong bansa upang magamit ng bawat indibiduwal.

      Katulad din ng mga ATM, ang Visa Debit Card & Mobile App ni Mayor Chavit ay maaari ring gamitin kahit saan. Maaari itong pambayad sa  groceries, sa bills katulad ng electric, water, telcos, cable, government agencies at maging sa mga remittances na walang charge.

      Puwede ring gamitin ang card para sa payroll ng LGU, scholarship programs, PWD and Senior Citizen assistance at marami pang iba.

      Kasama na rin ng Visa Debit Card & Mobile App ang paglalagay ni Mayor Chavit ng GRACIA Automated Payment Machines sa bawat municipalities para mas mapabilis at mapadali ang pag-encash ng pera.

      Ang pagtataguyod na  ito ni Mayor Chavit ay hinahangaan ng karamihan sapagkat walang sinuman maging sa ating sariling bansa o saan mang lugar sa buong mundo ang tanging nakapagbigay ng cards ng libre para sa taumbayan kundi tanging si Mayor Chavit Singson lamang na kaligayahan na ang makatulong sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s