RIA, nangangapa pa pero kayang-kaya namang makipagsabayan kina PAULEEN at POKWANG

NI:  Rohn Romulo

NGAYONG umaga na, August 17 magsisimula ang newest morning talk-magazine show ng TV5 na Chika, BESH! Basta Everyday Super Happy na kung saan hosts sina Pokwang, Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde.

      Line produced ito ng Archangel Media na pinamamahalaan ng president at CEO na si Mike Tuviera at COO Jojo Oconer.

      Sobrang thankful nga ni Ria sa kanyang first television hosting at ayon sa naging pahayag niya tungkol sa kanilang show, “It’s a very good platform to be heard. At a time when everything seems bleak and hopeless, I think it’s awesome to have a show that promotes positivity, a little bit of entertainment, and a distraction from all the uncertainties and stress.”

      Pagdating naman sa pagho-host aminado naman si Ria na nangangapa pa siya at marami pang dapat matutunan sa araw-araw nilang chikahan kasama sina Pauleen at Pokwang. 

      Ayon pa sa naging pahayag ng dalagang anak ni Sylvia Sanchez, “I look forward to learning from both Mamang and Ate Pauleen considering how they’re both family women already, learning from them would be good for me and my future.

      “Apart from that, I look forward to all the bonding moments and chika we’re about to have together.

      “I look forward to doing more great things with the APT and TV5 families, our show on its own is going to be exciting so I guess just everything about the show.”

      Bukod nga sa masayang chikahan ng tatlong hosts na may instant chemistry, maghahatid din ng good vibes ang mga segments tulad ng”Tatak Pinoy” kasama ang field reporter na si DJ Malaya Macaraeg, “Laps Trip” ni Christian Antolin, “Share Ko Lang” ng resident Tiktoker na si Richo Bautista.

      Excited din kaming panoorin ang segment na “Virtual Gala” dahil sa international correspondents na sina Shike Kuk from Korea, Taki Saito from Japan, Kimpoy Feliciano from New Zealand, at Bangs Garcia from London na magdadala sa viewers sa iba’t-ibang panig ng mundo.

      Anyway, five years ago, nagsimula ang showbiz career ni Ria sa daytime series ng ABS-CBN na Ningning at nasundan ng drama series na My Dear Heart (2017), Halik (2018), at Parasite Island (2019).  Napagkitang gilas din siya sa pag-arte sa mga episodes ng Maalaala Mo Kaya, Ipaglaban Mo, at Wansapanataym.

      Huling TV appearance niya sa isang episode ng Paano Kita Mapapasalamatan na hino-host ni Judy Ann Santos, na napapanood sa ABS-CBN’s cable channel na Kapamilya Channel.

      Sigurado kaming hindi naman magpapahuli si Ria kina Pokwang at Pauleen na sanay na nga sa pagho-host, for sure, marami rin siyang maibabahaging opinyon lalo na bilang single at siyempre ang kanyang husay sa pagbi-bake na tiyak na ipi-feature sa mga darating na araw.

      Ang fresh and promising morning talk show na Chika, BESH! Basta Everyday Super Happy ay mapapanood tuwing 10 a.m. sa TV5 at may replay kinabukasan sa Colours Channel (Cignal TV ch 60) tuwing 11 a.m.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s