SHARON, hindi na apektado sa pamba-bash dahil nasanay na

NI:  Reggee Bonoan

ISA si Sharon Cuneta sa mahilig sumagot sa bashers kasi naman below the belt na ang mga tira sa kanya minsan lalo na kung damay ang mga mahal niya sa buhay.

      Napanood namin ang latest vlog ni Sharon sa kanyang Youtube channel na nilagyan niya ng titulong ‘Dear Bashers’.

      Ikinuwento ng Megastar sa unang bahagi ng vlog ang bagong set o studio na gamit niya, ito raw ang kabilang unit ng condo na hindi nila ginagamit na pamilya.

      “Welcome to the new set.  It’s not really a set, it’s my other unit where we live but I don’t live in this unit we live on the other side but everything I love is here, this is my modern farmhouse styled unit,” kuwento ni Sharon.

      Sa nasabing vlog ay nakuwento ng Megastar na nitong nakaraang buwan ay may mga post siyang hindi maganda dala na rin ng mga pinagdaanan niya at inaming tao lang at nagkakamali.

      Pinuna kasi ng netizens ang mga post ni Sharon ng mga mamahalin niyang gamit na kinukulekta tulad ng relo, bags, alahas at sapatos na sa panahon ng pandemya ay kailangan ba talagang ipagyabang ito.

      Aniya, “gagawin ko na lang po sa panahong wala ng pandemic kasi it’s not the right time.”

      Pero sa kabilang banda ay binanggit niyang hindi na siya apektado sa pamba-bash sa kanya dahil sanay na siya.

      Ikinuwento pa niya na sa loob ng 42 years sa showbiz at sa mga nakakakilala sa kanya ay hindi niya ipinagyayabang ang anumang mayroon siya.

      Aniya, kapag may nanakit sa kanya ay bumibili siya ng bagay na magpapagaan sa nararamdaman niya at kasama na ang Rolex watch na pangarap niya bukod pa sa mamahaling oven na La Cornue na gusto rin niyang magkaroon.

      Sa madaling salita, in-address ni Sharon ang lahat ng sinabi niya sa vlog ay para sa bashers niya at para mas maintindihan ay panoorin na lang ito.

      Sabi nga niya, “Bashers, ‘hi’ and ‘bye.’ Baka naman gusto niyo mag-subscribe, subscribe na lang kayo. Chill na lang tayo kasi na-immune na ako sa inyo.

      “Tsaka easy lang kasi may pandemiya na nga baka tumaas pa ang presyon ninyo kasi ako hindi na ako na-affect. Friends na tayo.

      “My channel will feature my authentic self and that everything we’ll upload will be for my loyal fans who truly know me and have never left me.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s