NADINE at MAINE, matinding naglalaban bilang ‘Philippine Sexiest Women 2020’

NI:  Rohn Romulo

HINDI talaga magpapatalo hanggang sa huling laban ang fans ni Maine Mendoza lalo na yun AlDub Nation para makuha ang titulo bilang Philippine Sexiest Women 2020 na kung saan nangunguna pa rin sa list si Nadine Lustre.

      Sa partial and unofficial votes as of August 6, 2020 umakyat na sa second place na kung saan nagsimula sa 5th noong May, umakyat sa 4th at 3rd ng mga sumunod na buwan.

      At base sa trend parang kayang-kaya pa ng mga fans na maabutan ang mga boto ni Nadine.

      Post ng isang fan, nakakuha na ng milyung-milyong boto si Maine as of August 12 at sinabing less than 20K na lang ang kanilang hahabulin at meron pa naman silang hanggang August 31 para bumoto.

      Gumawa rin ang ADN ng 27 seconds video na pinakikita ang kaseksihan ni Maine na karamihan ang naka-two piece at kung sa iba’t-ibang beaches na kanyang pinuntahan, pinakikita lang nila na deserving ding koronahan ang kanilang idolo bilang pinaka-sexy sa Pinas sa taong ito.

      Samantala, nasa 5th place na si Ivana Alawi na pinagpapantasyahan ngayon ng mga kalalakihan at marami ang nag-i-expect na malakas ang laban niya, pero mukhang mahina ang kanyang voting powers.

      Natalbugan pa siya nina model/host Christine Samson at Miss Flawless Sachzna Laparan na pasok sa third and fourth place.  Si PBB Otso housemate Lou Yanong ang nasa ika-anim na puwesto samantalang pangpito naman si Kathryn Bernardo.

      Ang last year winner naman na si Barbie Imperial ay nasa eight place at pang-siyam naman si Bela Padilla.

      Pasok din sa top 10 ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

      Past winners ng Sexiest Women in PH sina Jennylyn Mercado (2016), Kim Domingo (2017) at Nadine (2018).

      Samantala, sa online poll pa rin ng Starmomoter pinost nila last August 5 ay naungusan na ni Josh Cullen Santos ng SB19 si Asia’ Multimedia Star Alden Richards sa semi-final ng Sexiest Man in the Philippines 2020.

      Nasa third place naman Ion Perez, pang-apat ang star ng ‘Gameboys’ BL series na si Kokoy de Santos, sa fifth and sixth places naman sina Enrique Gil at Daniel Padilla.  

      At noong August 14 inihayag na ang 6 finalists na kung pumasok na si James Reid at nalaglag sa list si Daniel.

      Nagsimula na rin ang global fan vote na magtatapos sa 12 noon ng August 24, 2020 Manila time sa apat 4 platforms: Facebook, Twitter, Instagram, and online poll at ang pinakaraming makukuhang boto ang tatanghaling Sexiest Man in the Philippines 2020.

      Si Alden ang defending champion at kung muli siyang mananalo this year, i-elevate na siya sa Hall of Fame.

      Nang i-check namin ang mga votes as of August 14 nangunguna pa rin si Josh na may 1,251,304 votes habang si Alden ay nakakuha ng 1,124,096 votes.

      Pasok nga sina Ion (177,456 votes), Kokoy (168,405 votes), James (108,406 votes) at Enrique (100,033 votes) sa natitirang slots sa Top 6.

      Kaabang-abang kung makukuhang ipanalo ng AlDub Nation sina Alden at Maine sa online poll na ito.

        Kaya naman puspusan na ang kanilang pangagampanya araw-araw na may tag na: VOTE FOR #MaineMendoza as the PH Sexiest Women 2020! at VOTE FOR #AldenRichards as the 2020 Sexiest Man in PH!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s