RITA, saludo sa kapatid na frontliner na tuloy-tuloy sa pagta-trabaho

NI: Rose Garcia

SA mga hindi nakakaalam, ang Kapuso star na si Rita Daniela ay merong inang may cancer at nagki-chemo at may kapatid naman na frontliner.

      Kaya aminado itong nagkakaroon ng anxiety dahil sa COVID-19 at kailangan niya ng mas dobleng pag-iingat dahil sa mga miyembro ng pamilya niya na ayaw niyang ma-expose sakali at hindi siya mag-iingat.

      Saludo raw si Rita sa kanyang kapatid, ang kuya niya na kahit risky, tuloy-tuloy ito sa pagta-trabaho bilang isang frontliner. The least that she can do para kay Rita ay dalawin ang Kuya niya sa pinagta-trabahuhan nito para lang ihatid ang paboritong cake sa mismong araw ng birthday.

      Kasama ni Rita ang mommy niya na hindi na bumaba ng sasakyan at nagbaba na lang ng bintana ng kotse.

      Sabi ni Rita, “He’s a frontliner, he’s my brother and it’s his birthday. Can’t even hug and kiss him on his special day. Dropped by to give a piece of his favorite cake.”

      Sobrang bilib nga raw siya sa kuya niya.

      Aniya, “But we’re very proud of u, kuya. You’re doing a good job of being a father to Vivon Loren. Most especially of your love for God. Keep on honoring Him even when it hurts, it will all be worth it. Keep that faith growing!!!”

      Sa ngayon, patuloy na napapanood si Rita sa All-Out Sundays at tuloy-tuloy pa rin ang audition para sa Centerstage.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s