MYRTLE, wagi sa Ragnarok tournament; may payo sa mga nagiging adik sa online games

NI: Rose Garcia

HALOS kalahating taon na ang quarantine situation sa bansa simula nang kumalat ang pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa.

      At sa parte ni Myrtle Sarrosa na bagong Kapuso, nagsisimula pa lang sana siya sa mga gagawing proyekto sa GMA-7 na naisantabi muna. Pero naiintindihan naman daw niya dahil lahat naman ay apektado ng pandemic.

      Nagpapasalamat daw siya na healthy at safety siya at ang pamilya.

      “Grateful lang talaga ko na healthy ang pamilya ko. Siyempre, nakaka-miss na magtrabaho, sa totoo lang, nami-miss ko.

      “Excited na talaga ko to start working and before pandemic, bumabalik ako sa mga workshop stuff kaya feeling ko, parang nawala yung effort ko. Pero na-realize ko, hindi naman dapat mag-stop ang learnings kaya kahit ako mag-isa, tuloy pa rin.”

      Nakakapag-shoot naman daw siya ng ilang endorsements at kapag nasa bahay nga most of the time, ngayon niya nagagawa ang maglaro ng online games.

      Lumaban si Myrtle sa Ragnarok tournament kunsaan, milyon ang naglalaro o lumalaban from Southeast Asia at nagtapos siya as the highest ranking Filipina in season 3 ranks. GM na rin siya (Guild Master) kaya may mga guild siyang hawak.

      May payo si Myrtle lalo na sa mga kabataan at mga estudyante na nagiging adik sa online games.

      Sabi niya, “For all the students, siyempre, i-prioritize rin nila ang school nila. Especially ngayon na nag-start na ang online classes, alamin din nila how to improve. Kailangan palawakin din nila ang knowdledge nila.”

      Ginawa na rin example ni Myrtle ang sarili na kahit into online games siya, noong nag-aaral daw siya sa U.P., talagang ginawa niyang prayoridad ang pag-aaral niya at kapag tapos na lang ang kailangan niyang gawin sa school siya naglalaro ng video games.

      “Noong grumadweyt na ko ng college, do’n lang talaga ako naglaro ng naglaro at kapag nasa work, iniiwasan ko rin na maghawak ng cellphone.”

      ‘Yun ang maganda kay Myrtle, kaya niyang balansehin ang priorities niya na sadly, hindi lahat ng mga kabataan ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s