Chad Angeles, pinagsabay ang pagiging singer at ang corporate career

NI: Throy Catan

BONGGA as in ang career ng guwapong singer na si Chad Angeles kahit nasa sa gitna ng pandemya.

Kahit baguhan na singer si Chad ay marami na itong narating sa larangan ng pagkanta puro bigatin na ang mga nakakasama niya on stage. Two years ago, isa siya sa main artist sa concert na “Young at Heart Concert” kasama si Janina Gonzales at LA Santos. Kinanta niya ang sarili niyang rendition ng Kahit Isang Saglit at marami pang magagandang OPM hits na angkop sa kanyang magandang boses.

Hindi mo nga matatawaran ang kahusayan ni Chad pagdating sa pagkanta katunayan ilan sa mga sikat at iniidolo niya ay nakasama na niya mag-perform tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid ang International singer na si David Pomeranz at marami pang iba.

Bago pa ang pandemya, sunud-sunod ang mga guestings niya lalo na sa online. Isa na rito ang kanyang livestream performance niya sa Manila Bulletin at marami pa. Mahal ni Chad ang pagtatanghal kaya hanggang kaya bina -balance niya ang kanyang schedule para pagsabayin ang pagkanta at ang kanyang trabaho sa kanyang corporate career. Kasalukuyan siyang Key Accounts Manager ng Heineken, isang kilalang international brand ng alak.

Bagamat maganda ang trabaho ni Chad at may magandang position sa kanyang corporate career hindi pa din niya napapabayaan ang kanyang hilig sa pagkanta. Sa ngayon balik work na si Chad masasabi nga na tama ang kanyang desisyon lalo na sa panahon ngayon na halos lahat ng mga artista at singer ay walang mga raket dahil sa pandemya.

Pangako naman ni Chad na pagkatapos ng pandemya na ito ay muli siyang makikita na magiging aktibo sa pagkanta dahil dito sigurado na bubulusok na naman sa mga project si Chad. Siyempre sa suporta pa din yan ng kanyang mga mababait at very supportive na magulang na sina Tito Ely at tita Baby Angeles. Abangan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s