BERNADETTE, tsugi na bilang field reporter; nagsusulat na rin ng kanta

NI: Reggee Bonoan

HANGGANG sa katapusan na lang ng Agosto 31 ang TV Patrol segment na ‘Lingkod Kapamilya’ na kung saan field reporter si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, pero mananatili pa rin siyang news anchor kasama sina Noli De Castro at Ted Failon.

      Base sa video post ni Badette (tawag namin sa kanya) sa kanyang FB Page ay mahaba niyang ibinahagi ang balitang kasama siya sa natanggal, “I got a call from my superior and I was told that I was retrenched.  Today is Bnamnam day, I woke up feeling great hearing the voice of friends dear to me.

      “I also got good news that we are awaiting our membership sa FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers), so this is the organization na grupo siya ng composers and songwriters another big surprise, right?”

      Kaya nabanggit ito ni Badette ay dahil nagsusulat na rin siya ng kanta at sa katunayan ay katuwang siya ni Jonathan Manalo na sumulat ng theme song ng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na kinanta ng Aegis at kasalukuyang umeere ngayon sa Kapamilya Online/Channel, iWant, You Tube at iba pang platforms ng ABS-CBN.

      At habang ikinuwento ni Bernadette ang sinabing tsugi na siya ay halatang pinipigilan niyang maluha.

      “And immediately by noontime I got a call from my superior tungkol sa aking trabaho as a reporter for ABS-CBN, mga ginagawang field work for Lingkod Kapamilya, ‘yun ‘yung aking field work na ginagawa na assignment.  And I was told that I was retrenched.

      “Masakit din, but this isn’t the first time that this happened to me that I was enjoy the morning and then pagdating ng hapon medyo not so good news.  So kung may kirot masakit may sakit, ang sabi ko, ‘ang galing talaga ni Lord mag balanse ng buhay.

      “Well, ang una kong naisip was, ‘dapat sa buhay sakto lang para alam mo kung kanino pa rin nanggagaling ang totoong kaligayahan at ‘wag sosobra kasi kapag sumobra baka makalimot ka na.

      “So, that’s my first take away but when I spoke with my best friend, tinanong niya sa akin, ‘oh kumusta ka?’ sabi ko, ‘okay naman.’  This is something that we expected to happen because of our situation in ABS-CBN.

      “Pero maganda ‘yung sinabi ni best friend sa akin and para ‘wag daw ako mag-plagiarized iko-quote ko siya sa aking Bnamnam today.

      “Everyday, good things and bad things happens throughout and it’s up to us what we what to hold on to and what we want to stay with us if you want to choose to remember the bad stuff or the good stuff and today I remain grateful.  I remain grateful.

      “Thank you, thank you for my many years as field reporter and I am a changed person because of my field work and I know that every moment I had as a field reporter wala akong inaksayang panahon.

      “And now I am also grateful because officially I am a songwriter it all happened today, so I hoped you choose the positive that happened today to remember each day and remember to be grateful, Bnamnam.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s