First trailer ng ‘Batman’ movie ni ROBERT PATTINSON, higit 7 million views agad in less than 24 hours

NI: Ruel Mendoza

MARAMING DC Universe fans ang natuwa dahil sa first look ng trailer ng bagong Batman movie titled The Batman na ang bida ay ang Twilight star na si Robert Pattinson.

      Sa naturang two-minute teaser, pinakita ang Gotham City na sunud-sunod ang nagaganap na kriman at nandiyan si Batman at ang kanyang police partner na si James Gordon, played by Jeffrey Wright, para ma-solve nila ang murder mystery. Makikita rin sa trailer ang mga kontrabida ni Batman na sina Joker, The Riddler, Penguin at Catwoman.

      Pinakita rin ang isang card na naka-address kay Batman na ang nakalagay ay: “From your secret friend … Let’s play a game, just me and you.”

      Umani na ng higit sa 7 million views in less than 24 hours ang naturang trailer na panimulang marketing campaign ng Warner Bros. na siyang may hawak sa Batman franchise ng DC Entertainment. May higit na $5 billion na ang kinita sa global box-office ang Batman series simula pa noong 1989.

      Si Pattinson ang latest actor na magsuot ng Batman costume pagkatapos nina Michael Keaton, George Clooney, Christian Bale at Ben Affleck.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s