Muling kiligin sa bagong romantic-comedy movie na “Crazy in Love with You”

NI: Throy Catan

MULING kiligin sa bagong romantic-comedy movie na ipapalabas in February 2021: Crazy in Love with You.

Tampok sa pelikula na ito ay ang Kapamilya stars na sina Claire Ruiz at Miko Raval. Kasama rin sina Mike Lloren, Ariella Arida, Tanya Gomez, Coleen Perez, Ara Altamira, John Arcenas, Irene Solevilla, Zyrn Laguitao, Jay Gonzaga, Pantene Palanca, MJ Cayabyab, Myhca Bautista, Angelo Patrinomio, with LotLot Bustamante, Sasi Casas, LM Torres, Clyde Enriquez, Jojo Vitug, Ching Reyes, Pau Benitez at marami pang iba.

Tungkol ang pelikula na ito sa babaeng nangangalang Jayda Bertolli (Claire Ruiz). Nasa kanya na lahat pero may kulang pa rin sa kanya. ‘Yong pakiramdam na mas mahal niya ang nobyo kesa sa mahal siya nito. Hanggang sa napatunayan niya ito nang makita niya mismo ang kataksilan nito.

Labis siyang nasaktan ngunit itinuon ang sarili sa pag-aaral mula sa self-help guru hanggang sa makakita ng magandang trabaho upang kahit paano ay makalimot. Hanggang isang araw nagsimula siyang makatanggap ng mga bulaklak mula sa sekretong tagahanga.

Ang sumulat at nag-produce ng Crazy in Love with You ay si Romina Wilcox, ang US-based Filipino novelist. Nakaambag na siya ng mga nobela na karamihan ay thriller at chicklits katulad ng Cold Eyes, The Calendar, Split Decision (with co-author Carole Cox), The P.I.G. Mantras, at Pinkslipped.

Kasama rin sa production sina Mike Lloren bilang Line Producer at pamamahalaan naman ni Edwad James (EJ) Salcedo ang naturang pelikula.

Uumpisahan na ang shoot ng nasabing pelikula ngayong Oktubre.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s