ALDEN at JASMINE, kinakiligan at pinuri ang chemistry sa ‘I Can See You’

BY: Nora V. Calderon

THANKFUL ang GMA Entertainment Group dahil nagustuhan ng mga televiewers ang bagong handog nilang drama anthology na I Can See You na ang pilot episode ay ang “Love On The Balcony” na nagtatampok kina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno with Shyr Valdez and Denise Barbacena, sa direksyon ni LA Madridejos.

      Weekly series ang I Can See You at naging top trending topic nationwide nang mag-premiere sila last Monday, September 28, at pinasok ng maraming TVCs. 

      Sa mga tweets ng mga netizens, pinuri nila ang chemistry nina Alden at Jasmine sa love story nina Gio (Alden) at Lea (Jasmine).   

      Nakakikilig daw at nakaka-good vibes ang romcom na tumalakay sa pagiging nurse na frontliner si Lea na na-in love sa kanya ang wedding videographer na si Gio, na tamang-tama sa pandemic na pinagdaraanan natin ngayon.  Pero may nakaraan pala si Gio at ito ang magbibigay ng drama sa story.

      Ngayong Friday evening na ang finale ng episode. Mapapasaya ba ni Lea si Gio sa pinagdaraanan nitong kalungkutan?   

      Napapanood ito pagkatapos ng Encantadia sa GMA Network.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s