LA Santos, may bagong show “The Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs”

NI: Throy Catan

EXCITING ang 2020 ng Singing Idol na si LA Santos dahil ni-launch na ang bago niyang show na “The Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs.” Inanunsyo niya ito during his Zoom media conference.

Si LA ang founder at flagship artist ng 7K Sounds, isang music label. Isa si LA sa magiging main host ng show kasama ang newscaster na si Gretchen Ho. Makakasama rin sa show sina artist /vlogger Iman Franchesca, at singer-songwriter Nicole Asensio.

Ang goal ng nasabing show ay makahanap ng panibagong Filipino Christmas songs na tiyak mabibigyan ng pag-asa ang bawat Pilipino kahit pa sa kalagitnaan ng pandemya.

Aminado ang direktor ng show na si Direk Alco Guerrero na hindi inaasahan ang ganitong format ng kanilang bagong show dahil sa pandemya.

Anya: “Originally, this was not the format. But at the onset of the pandemic, we thought of doing it for the Christmas season. Let’s not make it a competition but a search.”

Magkakaroon din ng online voting sa December 4-10, 2020 after ng performance. Ang makakatanggap ng mataas na boto ay lalaban sa Grand Championship sa December 11, 2020 at mananalo ng P25K grand prize.

Mapapanood ang “The Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs” sa Biyernes, 7 p.m. sa official Facebook page ng 7K Sounds.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s