Virtual 10th anniv concert ni ALDEN, wala ng urungan sa December

BY: Rose Garcia

PUWEDENG alalahanin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang taong 2020 na sa kabila ng pandemya, nagawa niyang maka-survive at siguro, wala namang magko-contest na isa nga siya sa pinaka-in-demand at magtagumpay na artista kahit na sa panahong ito.

      Noong October 10 na lang, although hindi naman personal na nakarating, through his video ay nagpasalamat si Alden sa panalo niya bilang “Pinakapasadong Aktor” para sa naging performance niya sa 2019 blockbuster film Hello, Love, Goodbye.

      Aniya, “Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan. Nagpapasalamat po ako. Here’s to more projects po and more experiences to come para sa ating lahat.”

      Ang Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) ay grupo ng mga film educators sa bansa na nagbibigay ng parangal sa mga artists, directors, films, TV shows, and music na may positibong nai-contribute sa social studies, language, arts, and humanities.

      At sa gitna nga ng pandemic, tuloy-tuloy lang si Alden kanyang mga TV projects kabilang na ang All-Out Sundays at Eat Bulaga! as well as several endorsements. Katatapos lang din niya ang I Can See You with Jasmine Curtis-Smith.

      At ang inaabangan na ng mga fan niya, ang pagdiriwang pa rin ni Alden ng kanyang 10th anniversary in showbiz sa pamamagitan ng kanyang virtual concert na Alden’s Reality ngayong December 8.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s