BILLY, feeling happy and blessed dahil dalawa agad ang show sa TV5; baby nila ni COLEEN may dalang suwerte

NI:  Rose Garcia

SA TV5 na mapapanood ngayon si Billy Crawford at may kasabihan nga na ang baby ay may dalang suwerte. Kaya feeling happy and blessed si Billy na ngayon sa TV5, bukod sa pagiging bagong daddy, heto at dalawa agad ang ibinigay na show sa kanya ng Brightlight Productions ni Rep. Albee Benitez, blocktimer producer sa Kapatid network.

      Ito ay ang Masked Singer Pilipinas at ang noontime show na Lunch Out Loud.

      Sa virtual presscon for LOL ay natanong si Billy kung may time pa ba siya para sa kanyang pamilya sa pagdating ng kanyang dalawang shows.

      Ayon kay Billy, “Ang pinaka-importante, I get to manage my time. Alam n’yo po, ‘yung taping hours naman po, hindi katulad ng dati, kasi we still have to abide by all the rules and regulations about the swabbing.”

      Pero hindi raw talaga maiiwasan na may kaba factor din because of the pandemic.

      “Syempre, ‘yung risk din po na kapapanganak nga lang ng anak namin ni Coleen, so ‘yung kaba, ‘yun ‘yung pinakanakakatakot para sa amin. Pero ‘yung working hours po, hindi po kami nag-e-exceed ng mga working hours. So, I still have time with my kid.”

      At dahil nga isa na siyang ama, kapag nasa trabaho siya, pakiramdam daw niya ay laging gusto niyang umuwi na.

      “Alam n’yo ‘yung pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang du’n, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.

      “Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para matawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin.”

      Galing sa It’s Showtime si Billy at ngayon nga ay magkakatapat na ang dati at bagong noontime show niya plus, ang Eat Bulaga pa na longest-running noontime show. Hindi naman daw sila nakikipagkumpetensiya sa mga nauna na.

      “We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo. Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming paratingin sa buong mundo na unity is more important and humility.”

      Kasama rin ni Billy sa LOL sina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero at Macoy Dubs.

      Nagsimula na ang airing nito noong October 19 at mapapanood Monday to Saturday, 12-2pm.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s