‘Descendants of the Sun’, kauna-unahang GMA show na i-stream sa Netflix; may two-week recap simula sa October 26

BY: Nora V. Calderon

TIYAK na masaya ang mga netizens na sumusubaybay sa biggest Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun sa kabila ng pandemic na nararanasan natin ngayon dahil sa magandang balitang natanggap nila mula sa GMA Network.

      Dahil mapapanood na ang 65 episodes sa Netflix simula sa November 13.

      Ang DOTS PH ang kauna-unahang GMA program to be streamed on Netflix.  Mapapanood ito ng eight (8) consecutive Fridays simula sa November 13. 

      Narito ang complete schedule per episode number Netflix launch date:

1 to 30 November 13, 2020; 31 to 35 November 20, 2020; 36 to 40 November 27, 2020; 41 to 45 December 4, 2020; 46 to 50 December 11, 2020; 51 to 55 December 18, 2020; 56 to 60 December 25, 2020; at 61 to 65 January 1, 2021.

      Isa rin itong pag-expand ng GMA Network ng kanilang platform, strengthening its digital presence and providing top-notch entertainment in celebration of its 70th anniversary this year.

      Pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Jennyln Mercado ang romantic story ng alpha team, kasama ang mga award-winning actors na sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith. 

      Matatandaan na noong September 10, nagdiwang ang buong cast at production staff ng serye nang tanggapin nito ang Most Popular Foreign Drama award mula sa 15th Seoul International Drama awards at si Dingdong naman ang tinanghal na Asian Star Prize awardee for his portrayal in the series.

      Samantala, magsisimula ulit ang airing ng DOTS PH sa October 26, sa pamamagitan ng two-week recap.  Sa November 5 magsisimulang mapanood ang fresh episodes ng serye sa GMA Telebabad, 9:15PM, pagkatapos ng Encantadia.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s