KYLIE, hoping na irespeto na lang ang naging desisyon nila ni JAKE habang naka-lockdown

NI: Reggee Bonoan

NATANONG namin si Kylie Versoza sa ginanap na virtual mediacon para sa TV series na Ghost Adventure Season 2 kung ilang buwan silang magkasama ng boyfriend niyang si Jake Cuenca sa iisang bubong sa panahon ng lockdown. 

      Naka-post kasi sa kanilang social media account na magkasama sila ng panahong iyon.

      “Grabe ang mga tanong! Nasa hot seat ako.  Oh my God, ang questions n’yo, huh?”

      Sabay pag-aming, “for a period, we decided to stay together.”

      May mga nadiskubre ba siyang ugali pa ni Jake sa ilang buwan nilang pagsasama?

      “Magaling siyang mag-alaga ng aso, kasi may aso kami together, one bulldog.

      “Grabe naman kayo!  Feeling ko maku-quote n’yo na naman ako, joke!  Feeling ko 2 to 3 months kasi quarantine ‘yun, eh, MECQ tapos nalaman naming mas nag-extend pa ‘yung quarantine,” pag-amin ni Kylie.

      Pero ngayon ay kanya-kanyang unit muna sila pero magkalapit naman daw ang tirahan nila.

      “Magkalapit lang din ng building,”tugon niya.

      May sumunod na nagtanong na masyadong vocal na ngayon si Kylie sa pag-aming magkasama sila ni Jake.  Ano ang gusto nitong ibahagi sa mga tao ng kagaya niyang liberated at truthful?  Pero siyempre bilang beauty queen ay marami na rin siyang achievements at influential sa pageant fans at sa mga kabataan.

      “I think, I’ve been independent since college pa ako and I think Jake and I are at the right age and both of us have work very hard to get what we are today, so I think, I guess ma-respect ng tao our decisions kasi very we are two very independent people who just trying to be the best version of ourselves.

      “We’re not trying to hurt anyone, we’re just have fun with our lives and I think, hindi na kami teenybopper, hindi na kami younger 20’s.  I hope people respect our decisions with whatever decisions we have with our lives kasi we’re already off age,” katwiran ng dalaga.

      Sundot pa ng nagtanong na dapat daw ipaintindi sa mga hindi nakakaintindi tungkol sa sitwasyon ngayon nina Kylie at Jake.

      Nagulat ang ilang katoto dahil sino ba ang mga taong hindi nakakaintindi, e, hindi naman na bago ngayon ang magkasintahan o magkarelasyong nagsasama sa iisang bubong?

      Sabi pa ni Kylie, “tama naiinis kasi ako do’n parang ano bang pakialam n’yo, di ba?  Para sa akin pakialam n’yo ba?  Ganu’n ako mag-isip, eh, so what!”

      Anyway, sa new normal taping ngayon na naka-lock in ang mga artista ay inamin ng aktres na mas pabor siya dahil hindi sila masyadong pagod na mga artista.

      “Para sa akin mas madali ‘yung new normal na shoot dahil usually kasi di ba ‘yung mga location namin 1 to 2 hours away so magigising kami mga 3 o 4 AM para makapunta sa set ng 2 hours’ o 1 hour, so ‘yung biyahe nakakapagod.

      “So ito (Ghost Adventure) kapag lock in, 12 to 14 hours lang kasi so mas madali para a artista hindi mo rin nabibitawan ‘yung character mo, especially kung mabigat tapos magigising ka na lang sa set aayusan na kayo, wala ng travel time kasi nakakapagod talaga ‘yung travel time for me.

      “Kaya mas madali sa akin, mas gusto ko nga ‘yung lock in na taping na taping at nakakasama ko rin ‘yung cast members so, mas masaya para sa akin,” pahayag ng dalaga.

      Abangan ang karakter ni Kylie bilang si Luna sa Ghost Adventures Season 2 na concept ni Benjie Paras at pinuri ng aktor ang dalaga dahil mahusay. 

      Mapapanood na ang comedy horror na kung saan kasama rin sina Andrew Muhlach at Empoy Marquez simula sa Oktubre 31, Sabado 6PM sa TV5 handog ng Viva Entertainment at Sari-Sari na idinirek naman ni GB Sampedro.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s