Businesswoman/actress Christine Reuyan, NA BIKTIMA NI DBM DIREKTOR na si Virginia Rodriguez

NI: Throy Catan

Dating manunulat ng palakasan ng Manila Bulletin na si Virginia Rodriguez, ngayon ay tumatayong punong tagapamahala ng isang construction firm ay nakatanggap ‘di umano’y ng death threats.

Kung kaya’t humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) ang itinuturong isa sa mga suspek ay ang negosyante at nag-aartista ring si Christine Reuyan at Mark Guerrero na sinabi nito na nag-invest siya ng malaking halaga sa nagpakilalang Director raw diumano ng Department of Budget and Management na si Rodriguez.

Ito’y isang malaking pagpapanggap at panloloko kay Christine at sa iba pa. As a matter of fact lumapit siya kay Christine para magpakilala at makipag-negotiate ng transkyon sa kompanya ni Christine. Ang position niya kuno as a direktor daw ng DBM ay ginagamit niya para makapanloko ng maraming tao, but we find out na fake pala ito. Katunayan, nakakuha kame ng document na ‘di siya naging direktor ng DBM. So in short, isa siyang fake. So be careful for her.

Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod na artikulo ang lumabas na sinulat nina Dave Medina ng Saksi Ngayon noong ikapito ng Oktubre; Alvin Murcia ng Daily Tribune, Tribune.Net.Ph na lumabas naman noong ikawalo ng Oktubre taong kasalukuyan; naglabas din ng artikulo tungkol dito ang Hataw at Remate online at isinulat rin ito ni William Depasupilin ng Manila times; na nagsasaad na itong si Virginia Rodriguez, matapos raw niyang sibakin sa kanyang kompanya sina Christine Reuyan, Mark Eudell Guerrero, Jose Gayoba kilala rin bilang si “Madam Lola” at Myla Gumban, doon siya nagsimulang makatanggap ng mga pananakot ng pagpatay sa kanya.

Ito ang fake document as a direktor kuno ni Rodriguez

Sinasabi rin ni Rodriguez na siya ay may mabigat na ebidensiya laban sa mga nabanggit na pangalan sa itaas na sila nga ay nagplanong ipapatay siya at nagbayad ‘di umano’y ang mga ito ng tao upang isagawa ito. Dagdag pa rito, sinisira din daw ‘di umano’y ng mga ito ang kanyang reputasyon sa mga tao.

Sino nga ba si Christine Reuyan? Bukod sa isang artista ay isang matagumpay na negosyante ng isang malaking construction company rehistrado sa Department of Trade and Industry. Si Christine din ang may-ari at CEO ng Call Center at isang government contractor .

Merong ding papeles na pirmado at inilabas na nagpapatunay at nagsasaad mula mismo sa talaan ng records ng DBM, na hindi kailanman naging konektado itong si Virginia Rodriguez o ang nagngangalang Angelica De Lantar o Angelica Vega, sa kanilang Central at Regional offices. Taliwas sa sinasabi ng mga nabanggit na sila’ý kawani at opisyal ng naturang ahensiya. Malinaw na peke o palsipikadong dokumento ang ipinakita nito kay Christine.

Dagdag pa ng Department of Budget and Management, may abiso silang inilabas para sa publiko, isang babala na nagsasaad na mag-ingat at ipinapabatid sa lahat na nakarating sa kanilang kaalaman na may mga taong nagpapanggap na silaý kawani o opisyal ng DBM at may kakayahan o mang-impluwensiya ng mga opisyal nito sa taas upang agad na maaprubahan ang isang panukala at maglabas ng mabilisang budget para sa mga Local Government Unit or LGUs.

Ayon pa sa report na natanggap mula sa iba’t ibang LGUs, ang mga pangalang nasa listahan ay ang mga taong nagpapanggap na silaý kawani o opisyal ng Department of Budget and Management.

  1. Angelica Vega/ Angelica Delantar and Virginia Rodriguez .
    Sila Vega/Delantar at Rodriguez ay naiulat na nangongolekta ng pera mula sa mga LGUs at namemeke ng mga dokumento tulad ng : Special Allotment Release Orders; Notices of Cash Allocation at Advice of NCA issued, at iba pang mga liham na pirmado pa ni Sekretaryo Wendel Avisado.
    Nais ipabatid ng DBM sa publiko na itong sina Angelica Delantar o Angelica Vega at Virginia Rodriguez o kahit sinupaman ay walang pahintulot na mangolekta ng pera na maaaring gamitin sa anumang layunin. Malinaw na isa itong malaking panggogoyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s